Sunday, July 21, 2013

Nakakaloka!

Palakpak.  =)  Ang importante masaya sila, hindi ba? 



Monday, July 15, 2013

Commit

-->
Sa gitna ng sumasayaw na mga ilaw at nakakabinging club music, tinitigan ko siya sa loob ng ilang segudo at doon... doon ko na ipinasya sa sarili ko ang susunod na mga pangyayari.  May tama na ako mula sa mga basong alcohol na itinagay ko sa loob ng dalawang oras.  Malakas ang loob ko.  Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at hinila papalabas ng bar... patungo sa kotche ko sa 2nd floor parking.  Pumasok kami sa loob at doon nag-usap. 

Sa bawat pangungusap may tuldok na halik. 

Mahigit na isang taon na ang nakararaan nang una kaming magkita ni B. 

Una at huli. 

Ilang buwan pa lang nang maghiwalay kami ni Hani noon at may sumpa ako sa sarili na hindi na muna ako magkikipagrelasyon kahit kanino sa loob nang isang taon.  May ilang lalake na nadismaya sa panata ko na yun.  Kasama na doon si B, ang chinitang diwata ng Cubao.  Nagkakilala sa Grindr, nagkita sa Greenbelt, nanood ng sine, nagpamasahe sa spa, naglandian sa spa, nag dinner, dinala sa Alabang, dinala sa condo at buong gabing naghalikan, naghimasan, nag-ungulan, nagsubuan, nagdilaan at jusko ‘day ang laki-laki pala ni General. 

Ganyan. 

Hindi na muli nasundan ng pagkikita na yun.  Napansin kong sumama ang loob niya.  Pero ayoko naman sumabak sa relasyon ng hindi ko gusto o hindi ako handa.  Alabang and Cubao is like so layo, riiiight? 

Hangga’t sa isang araw, makalipas ng ilang lingong hinanakit ng puso ko (nokonomon... CHOT), isang “hello” na facebook message lang mula kay B, napapayag na agad akong makipag kita sa kanya nang walang kaba, takot, hiya o bahala.  Siguro, sabihin na lang nating nag-mature ako nang slight... emotionally. 

Kinabahan ako nang konti na baka may guard na makakita sa amin sa loob ng kotche at baka isiping may ginagawa kaming masama sa loob.  Wala naman.  Kabastusan lang.

Echos. 

“Alam kong gusto mo ako.  Nakikita ko naman yun.  At alam kong mabait kang tao.  Pero nababahala ako sa distansya natin.”

“Hindi problema yun sa akin.  Basta parati tayo mag-uusap.  Kaya kita mahalin, Felipe.  Nagustuhan na kita mula pa noong una tayong nagkita.”

“Alam kong kaya din kita mahalin.  Pero gusto kong malaman mong mahal ko pa rin ang lalakeng kinaiinisan ko.”

“Alam ko.  Tanggap ko yun.  Matututunan mo din akong mahalin.”

Napangiti ako.  Natuwa ako.  Heto ang isang taong nangangakong umintindi sa akin.  Heto ang isang taong handang pagpahalagahan ako.  Heto ang isang taong naghihintay lang ng sagot ko.  Nanligaw.  Hindi naman siya mukhang masamang tao.  Disente siya sa pagkakakilala ko sa kanya.   Ayoko nang patagalin pa ang paghihintay niya na doon din naman ang bagsak.  Kaya pumayag na ako. 

“Payag na ako.  Let’s commit.”

At sa puntong iyon, milagrosong lumabas ang putting usok.  White smoke, may bagong papa!

Alam kong biglaan.  Kung dulot ito ng alcohol o kalungkutan, hindi ko alam.  Pero ayoko na rin mag-isa.  Gusto ko na rin magmahal.  At heto na nga may dumating.  Ba’t pa ako tatanggi?  


Wednesday, July 3, 2013

Station 1

-->
I think I still have a weekend hangover because I’m still missing my long weekend.  I was in Boracay, not to celebrate my birthday because I don’t really celebrate it,  but to be away from everyone.  Or at least everyone that I don’t like.

Ahaha.

Sumama si Teta sa akin kasi 2,000 years ago pa daw siya nang nakapunta sa isla.  Sabi ko, “naku, may progress na sa Boracay.  Namatay na ang mga dinosaurs at madami nang bakla!  More bakla, more fun!”

Chot.

At dahil 45 pounds ang nawala kay best friend, gusto na niyang maranasan ang mag bikini. 



Chill lang naman kami.  Nothing heavy.  During the day, lounge lang sa beach habang lumalagok ng tubig at fruit shakes.  Kapag may poging dumadaan... tinititigan.  Kapag tumingin din.... AKIN SIYA!  

Char.  

Sa gabi naman lumalamon.  And then after that, drinks sa Epic or Juice bar.  Parating maaga si Teta umuuwi para matulog habang ako nagpapa-iwan sa bar.  Gusto ko lang naman talaga uminom at manood ng mga tao.  Pero siguro pagkakamali ko na bumalik pa ako ng Boracay.  Too many good memories turned bad.  For me, at least.  The music didn’t help at all.  Bawat “Million Voices,” “Don’t You Worry Child,”  “Happiness,”  “City of Dreams,” “Clarity,” “Sweet Nothing,” at etc na mapatugtog, naaalala ko ang taong gusto ko muna makalimutan.

Pero kung mayroon mang maganda na naidulot sa akin ang maikling bakasyon na ito, iyon ay ang pagpapahinga sa isip ko.  Gusto ko sabihin sa sarili ko na mas tanggap ko ang kasalukuyan at ang katotohanan.  Mayroon pa ring hinanakit.  Hindi ko naman maiaalis yun.  Kasalanan ko bang ipinanganak akong tao at hindi bato.  But I hope I will move forward.  Medyo vague yata ang description na nasulat ko tungkol sa kung anong nanyayari sa akin ngayon.  Pero ang importante lang, magkaroon ako ng gabay upang tumino.  Tulad ni Eric sa My Husband’s Lover, I also deserve to be happy. 

CHOS.