Wednesday, June 26, 2013

Panata (habang lumalafang ng French Toast sa Starbucks ATC)

Nakilala ko si Caloy less than a year mula nang maghiwalay kami ni Ed.  Ok siya. Taga cavite (a few minutes of tambling away from the fabulous Alabang!), may trabaho, ka-edad ko (pareho kaming 25. ECHOS!), pogi, straight acting, may kotche at ma-pera.  Sugar Daddy levelssss!!  Chot lang.   Ok na sana lahat.  Ang problema kasi ako mismo.  Ang arte-arte ko.  May nalalaman pa akong panatang wag muna magkaka-jowa sa loob ng isang taon.  Nag-date kami dati ilang beses.  Nanood pa kami ng play na Care Divas.  Ang romantic, right?  Alam ko gusto niya ako.  Hindi lang siya expressive.    Pwera na lang sa tuwing gusto niya makipag halikan at makipag karerahan patungong langit.  Ang sarap niyang humalik pramis.  Pero bigla na lang nawala.  Alam mo yun?  Single ka, wala ka naman ka-commitment.  Kung sinu-sino nakikilala mo. Nakakalimutan mo yung mga nauna mong nakilala.  Hindi ko yun sinasadya pero yun ang nanyayari.  Naging "busy" lang.  Di ko rin masisisi sarili ko kasi sabik ako makakilala ng mga bagong kaibigan that time.

Sayang lang.

Sana hindi na ako umarte kay Caloy.

Makalipas ang halos isang taon, ayan may boyfriend na si Caloy.  Habang ako naman, heto, nag-iisa.  Sabi ko dati mas manageable maging single.  It has it's perks naman.  Lalo na kung bata ka pa o malikot at immature.  Pero kung gagamitin mo rin kokote mo, at yung puso mo din (ganyan?? May drugs yata 'tong Chamomile na iniinom ko), maiisip mo na malungkot mag-isa.  Pero heto ang sitwasyon ko ngayon.  I have no choice kundi maging matibay para sa sarili ko.

Pero mahirap 'teh!  Parang poverty... mahirap.  Chot. 

* tumingin sa bintana at nag buntong hininga

(Pabulong) Mahirap...

Drama levels, duncha just lavette??

Nagkamali ako kay Caloy.  Sana binigay ko na ang aking matamis na oh-oh noong tinanong niya akong "o, irog.... Keri mo bang... You and I... Jowabelles... Like now na?"

Walang mapupuntahan ang isang libong mga "sana" ko.  Wish ko lang ay... mag hiwalay na sila para ligawan niya ulit ako.

ECHOS LAAAAAANG!

Monday, June 24, 2013

TP Link Range Extender

Since sumemplang yung Powerline Ethernet Bridge ko last year, pahirapan na ang pagsagap ng wifi dito sa 2nd floor.  Since Linksys ang main wifi router ko sa baba, napabili ako ng linksys range extender na OA sa mahal.  Ayun, coverage fail.  Hindi pa stable.  Tapos after 3 months nasira.  Ewan ko lang kung bakit.  Kung pinakealaman ng mga inday dito sa bahay habang wala kami, ewan ko na.  Sumubok din ako ng D-link range extender na plug in lang sa outlet.  Fail pa rin at medyo effort ang pag set-up. 

Habang naglalakad sa Harrison Plaza kanina, nakita ko sa Silicon Valley itong TP-LINK Range Extender.  300 Mbps at 2.4ghz.  Sa presyong 2,000 pesosesoses, kaya naman ng dibdib kong magwaldas ng pera para sa isa nanamang extender one more time.  Medyo tanga pa tong staff na mga lalake.  Sabi ko gusto kong tignan yung TP Link range extender.  Sumagot yung isa na wala daw sila ganun.  Eh putek nasa display nga.  TANGA!  Heniwey...    Madali naman siyang i-set up.  Either by pairing it with your existing Wifi Router using the buttons at the back or via web client.  I did the web client method because I felt too lazy to go down and do the pairing. 





Anyway, it works fine.  The thing with wireless extenders is that it cuts the subscribed internet speed to half.  Suppose you have a 1mbps subscription, kapag connected ka sa extender lang siguro speed mo magiging 512 kbps na lang.  But that's still ok as long as the connection is consistent naman.  And I think this is a better product compared to the extenders that I bought previously.  Kasi I'm watching My Husband's Lover online and I'm on the 4th episode na, hindi pa rin pumapaltos! 

LOL. 

Thursday, June 20, 2013

Away on B-Day


I don't realy celebrate my birthday.  I mean, kung ako lang hindi ako magkukusang mag-celebrate.  Nanay ko lang naman lagi ang nagce-celebrate para sa akin.  Kapag birthday ko, kakain kami sa labas.  Siyempre, libre niya kasi nga wala nga ako paki-alam.  LOL.  Ok...  Masungit ako kapag birthday ko.  Kasi sa totoo lang, there's nothing real reason to celebrate.  Sabihin nang OA pero ampon kasi ako eh.  Malay ko ba kung kailan ako talaga ipinanganak.  At noong ipinanganak ako, maswerte nga ba ako?   Is it really a happy birth day for me? Eh buhay nga ako ngayon, wala naman akong kalayaan maging masaya.  Anyway, isang mahabang kwento ang bahagi na yan ng buhay ko na wala akong balak i-kwento. 

Ahaha. 

Toroy long. 

Sige, i-share ko lang.  For three years, parating yung ex ko kasama ko kapag birthday ko.  Ginagawa ko yun kasi nga ayokong nasa bahay mag birthday at siguradong may mangyayari na ikaba-bad trip ko.   Mayroon yung first time ko sa Boracay.  Tapos pumunta kami ng Bohol.  Tapos yung pangatlo yata dito lang sa Tagaytay pero sabi ko sa magulang ko nasa Coron ako kaya pinatay ko telepono ko kunwari walang signal.  Ahaha. Malay ba nila.  Low tech naman mga yun.  Last year, single na ako, hindi ako umalis dahil naubusan ako ng oras na magplano.  Mantakin mo, nakalimutan ni Mudra ang birthday ko.  LOL.  Di naman ako nagre-reklamo kasi ayoko talaga mag diwang.  Nalaman lang niya na kaarawan ko nung nagsidating yung mga greeting cards galing sa mga empleyado namin. 

"Ay!  Birthday mo pala!"  Award.  6PM na nang malaman niya.  LOL. 

So, para matakasan ko ang pamilya ko sa birthday ko this year, para hindi ko i-"celebrate," pupunta ako sa Boracay.  Isasama ko nga pala si best friend Tina.  Para naman hindi ako magmukhang sawi doon.  Actually, ok lang din naman kahit na mag-isa ako pumunta.  Hindi naman peak season so hindi magulo doon ngayon. 

Asumera lang.  LOL. 

I don't plan to party naman.  That personal long weekend is still too short for me.   I just want to relax.  And have a vacation.  Drinking is optional.  Or maybe I'll have a couple.  Expecting, but not hoping, to meet new friends.  Yeah, I need more friends. 

I need all kinds of positive distractions. 

1 more week, 'teh!

Wednesday, June 19, 2013

Tameme.

Inimbita ako ni Norman  pumunta sa Ortigas sabado nang gabi dahil alam niyang kailangan kong gumala.  Itong mga nakaraang mga araw, ewan ko ba,  basta na lang bumigay puso ko.   Akala ko matibay ako.  Akala ko kaya ko.  Kaya lang mitya-mitya, naiisip ko nanaman siya.  Pucha kasi itong puso ko.  Naging bato na yan eh.  Kung bakit nabuhay pa.  Sana naging puso ng saging na lang ito.  Kung mainis, ihahalo na lang sa kare-kare.  Solb ang problema.  CHOS!  Si Norman?  Di ko naman siya matalik na kaibigan.  Sa totoo lang, di niya ako gaano kilala.  Ilang beses pa lang kami nagkikita.  Ang alam ko, trip niya ako.  Pero bilang isang kapwang edukadong tao, nirerespeto naman niya ako. 

Isinusumpa ko ang club na yan.  Mahilig din kasi ako sumayaw.  Mahilig din ako uminom.  Pero putek, sa laging sikip ng lugar na yon sa nagsisiksikang beckies, hindi ka makakasayaw at mahirap bumalik-panaog sa bar. Doon din sa club una akong hinalikan ni T.

"Don't worry," sabi ni Norman.  "Doon tayo sa VIP section kasi birthday ng kaibigan ko.  Hindi magulo doon."

Nakita ako ni JC sa loob.  Nagulat siyang pumunta ako sa club.

"Bakla, anong ginagawa mo dito! Di ba sumpa levels mo na ang impyernong ito?"

"May nagimbita lang sa akin.  Trying to enjoy the weekend."

Nakasayaw. Nakainiom. Nakanood ng drag show. Natanaw kong may artistang babae sa baba ng VIP section.  May nagpatagay ng Tequilla.  Umikot ang mundo. Gumaan ang pakiramdam. Pansamantalang naging masaya.  Yun naman ang importante. 

Di ko na alam ang mga sumunod pang mga pangyayari.  Di ko na rin masyado tanda ang mga lalakeng naka-usap ko.  Ang alam ko lang, masaya ako sa mga oras na yun.  Pasado alas-2 ng umaga nag text si JC at kinakamusta ako.  Di yata maayos ang pagkasagot ko kaya ina-assume na niyang lasing ako.  Sabi niya sa akin puntahan ko SILA sa katabing kainan.  Di ko na pinuna kung bakit PLURAL pero go lang naman ako.  Pagdating ko doon, nakita ko si JC... At si T.   At ang lalakeng kinabaliwan ni gago.  Ewan ko ba.  Siguro masyado lang ako masaya that moment kaya di ko pinansin yung tinik sa biglang tumusok sa puso ko (echos lang!).  Kinausap ko sandali si JC.  Nag-hello  ako kay T.  Tumingin naman ako sa harap at nakangiti sa akin ang lalakeng nasa tapat ko.  Ang boyfriend ni T.  Sa totoo lang, hindi ko na matandaan ang itsura niya.  Alam ko lang nakangiti siya sa akin na parang naaliw sa pagkalasing ko.






Impakta.


Nag-decide akong bumalik agad sa club at mula sa puntong yun, sa gitna ng ingay,  tawanan, landian, yakapan, kapaan ng pwet at daldalan, natameme na ako.  Para bang tumigil na ang lahat.

O di ba ang drama lang?  Pero shet, alam mo yun kapag may alcohol ang sistema mo mas nagiging sensitive ka.  Mas napapaisip ako sa nanyayari sa akin.  Mas nalulungkot ako.  Pero dahil mabagal naman ang takbo ng lahat, nakakayanan ko naman habulin.  At doon nasasabi ko sa sarili ko na ako ang tunay na sawi.  Shet lang ang sakit.

Ang sakit magpakawala sa taong minamahal mo kahit na yun ang dapat mong gawin.