Thursday, December 19, 2013

You Shall Now Pass!

Eh kaya naman pala sila di maka daan sa gate eh. Amokin ba naman si Gandalf? 

LOL


Wednesday, December 18, 2013

Presenting: Le Familia Epal

I seriously don't understand why the masses don't see what we see with this family.  They keep on voting for the obviously evil people kapalit ng ano?  

Wednesday, November 13, 2013

AC vs. KS

React galore ang mga tao nang sinabi ni Korina na hindi alam ni Anderson Cooper (my labs) ang sinasabi niya.  Yes, nasa studio lang siya at busog na busog and yes, nasa Tacloban mismo si Anderson my lab at nakikita niya ang situation with his beautiful eyes.  Si Korina na asawa ng kaibigan ng Presidente.  Si Korina na dating shota ng Presidente.  Si Korina, si Korina, si Korina.  Parati na lang si Korina. Si Korina na walang malay.  

Ewan ko lang ha.  Pero I think kulang sa humility ang current government. Ayaw aminin ang totoong situation.  It's true that looking at the brighter side should inspire us pero wag sanang i-deny ang totoong situation. It doesn't matter if 10,000 or 2,500 ang namatay.  The fact is maraming namatay, namamatay at ang mga tao ay papatay just to survive.  Let's get real.  This is the Philippines.  We are not at disciplined as Japan.  

O di ba lang, di ko alam kung anong point ko. LOL.  

Anyway, I found this on FB... I laughed.  




Monday, October 7, 2013

EC Gas


EC Gas outlet in BF Homes, Parañaque, opening very soon!  At the corner of Elizalde and Presidents Ave., in front of Caltex. 

Monday, September 30, 2013

A Bitter Racist?



Uh-oh. Someone's going to get grilled this week. 

LOL.

Friday, September 6, 2013

Sa Roar Music Video ni Katy Perry...


Taal volcano ba yung nasa background?  LOL

Tuesday, September 3, 2013

Tsaa... Pag May Time



Heller!

Nandito ako ngayon sa Starbucks Northgate nakikipag sushalan sa mga bading ditey.

Chot lang.

Di pa ako umuuwi ng bahay. Decided to have dinner here at Northgate. Isang bonggang dinner. Isang sushal na dinner.  Gourmet levels.  Nag dinner ako sa Sinigang Express.  Keri naman kung matipid ka sa ulam at matakaw sa kanin. Yagit lang.  Well, it's better than dinner at home na swimming sa mantika. Swimming na lang sa kanin.

Reklamador lang.

I'm drinking a Grande cup of Chamomille (ginagaya ko lang yung spelling sa tea bag) tea before I head home. Wala pa rin pumapansin sa akin sa Hornet. CHARENG!  Cute yung isang barista sa baba. Feeling ko becks.  Kasi nung binigay niya sukli ko kanina nilabas niya yung dila niya. Chot.  

Chot lang talaga, pramis.  

Becks sa tapat ko na kamukha ni Dennis Rodman.  Feeling ko nagga-Grindr. 

Brrrr.  Ang ginaw dito sa second floor. La kasi masyado tao.  Di naman giginawin mga tao dito. Part na yata ng uniform nila ang jacket. 

Excited nga pala ako for Saturday.  Pupunta ako ng Obar Ortigas.  Goal kong magpakasaya.  Pero sana yung masayang di ako nagba black out.  

So good luck to me kung makita ko si Mang Jack Daniel.  

Friday, August 30, 2013

diBEARsity in Malate


And that's TONIGHT!!!!

See ya!

Thursday, August 29, 2013

Just Finished a 5km Run

And I'm now on my way home... walking.  Ang dilim! Baka ako ma-rape!

#excited


Chareng!

Sunday, August 25, 2013

Belat


Bleh!

Belat daw.

Monday, August 19, 2013

Dahil Hindi Ako Makatulog This Very Monument

Oo... monument...


Naglaro ng instagram pics sa telepono. At kailangan nang ibenta sarili ko para magka love life na. 

Chareng.

Nakakatuwa.  Bigla kong natandaan yung EB last week.  Kasi wholesome ang peg in person at kagalang-galang (he's a lawyer)  pero sa online profile may... Ahem... Pics na may SOMETHING na nagpakiliti sa aking natutulog na malisya. Tinanong ko kung bakit meron siyang ganung litrato. Sabi niya para daw bumenta.  Sa akin kasi naman, ibang impression ang ibinibigay mo sa ibang tao kung katawan mo ang binabandera mo sa mga dating apps.   Alam mo na ibig ko sabihin doon. Pero sa kabilang dako (dako?? Ha?? Saan? SAAN????), 2 buwan nang nilalangaw profiles ko  sa mga apps na yan.  Code red na itey!!  Siguro dapat subukan kong mag mukhang bold star sa Grindr at Hornet.  Baka may pumansin sa akin.  


Thursday, August 15, 2013

Nakita na si Napoles!


At nasa Bacolod siya!

Eng


Ang katangahan ko today is tatlong oras akong naniwalang 2pm pa lang. 

Wednesday, August 14, 2013

Paalam, Junkyardkid


Ang tagal nating magkakilala online dahil sa blogs natin noon.  Sayang, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala kita in person.  Kung nasaan ka man ngayon, maging masaya ka  at hindi na nahihirapan pa.  Mami-miss ko ang creativity mo.  Godspeed Claren.  Bye for now Junkyardkid.  :-)

Wrist Brace


So this is me now.  With a wrist brace. I'm right handed but my right wrist is really weak, it gets painful after I play tennis.  Then it got worse.  Dati iniisip ko it's the way I grip the racket.  Advice ng kaibigan ko "kunwari pototoy ng Arabo yan, ganun pag hawak mo."

Sagot ko, "hahawakan ko ng 2 fingers para mas sensual."

Charing.

Pero yeah I guess minsan I twist my wrist (uy tongue twister yan ah)  when I lose my concentration lalo na kapag nagpapanic na ako. 

Me: "ay bolaaaa!"

Coach: "hit da ball!"

Me: "afraaaaaaaid!"

But aside from that alam ko mahina talaga wrist ko.  Sa gym, I have a problem with exercises that involves gripping bars.  Another friend said I probably have tendonitis.

Tendonitis na lang para bongga. Sakit ng mayaman. Echos. 

At heto na nga, after my last tennis game last week pa, kumirot na wrist ko.  I looked online and the common remedy that Ive read as regards to my problem is the use of a wrist brace, even while playing tennis.  

And this is what I was able to buy na pang right hand and fits my size. 

I cancelled tennis today because I was too busy. I dunno if I can play on Sunday dahil baka may magyaya sa aking makipag-date. FEELING lang.

Monday, August 12, 2013

Bar Hop


Gusto kong sabihin sa sarili ko na ok ako.  OK meaning hindi ako galit; hindi ako namomoblema kahit kanino... or at least hindi sa madaming tao.  Yung hindi ako malungkot.  Yung maging... OK.  Ganun.  Pero sa totoo, parang wala ako maramdaman na saya o lungkot ngayon.  Ang labo ‘no?  Dapat masaya ako dahil nagkausap ulit kaming tatlo kanina ni JC at T sa WeChat, just like old times.  That’s one good thing about today. 

I’d like to keep my friends.   The good people. 

Lumagpas na ang kalahati ng taon.  There were a lot of good memories.  But just a few weeks ago, I saw these as good memories turned bad.  But I’ve absorbed all the stuff that has happened and told myself to be mature about these mistakes and heart aches.  Tinanong nga ako ni Ken kung pupunta ako ng Boracay  kasama ang barkada sa November 1.  Sabi ko ayoko.  Too many bad memories.  Ang sagot naman niya, “then make new ones.”  Kabog ang sagot.  Parang nakuha sa Candy Magazine lang.  Candy Magazine talaga??

Siya na ang pangalawang tao na nagsabi sa akin niyan.  Hindi naman masama ang advice.  Kaya I guess it’s the best advice that a friend has given me.  No I’m not going to Boracay in November.  I already promised my friend from Canada that I’m going with him in January.  I’m now moving forward, trying to be more positive (as I have always been naman) and creating new memories with friends, old and new.  Kaya I always look forward to weekends. 

In a somewhat related story, last weekend was something.  Saturday night I met up with V, who’s visiting for the weekend from SG, and the rest of the South Boys at Rue Bourbon at The Fort.  First time to be there. Shet, puro lasingerong junjun at nene.  Naka dalawang gigantic mug ako ng Caramel beer.  Sarap.  Bongga.  Beer pare.  Nakaka-straight.  Chos.  Tapos lumipat kami sa Distillery and saw a friend from Path.  Mmmmm.  Sarap i-hug.    I was on my way to Opus to meet my other friends when one of them called to tell me that they’re moving to Obar because Opus was dead boring.  So U-turn naman ako sa Magallanes.  Sinusundan ko lang ang dikta ng Waze dahil mahina ako sa directions.  Sa Obar, ako ang nauna pero I saw some friends na nakakuha ng table so doon ako tumambay.  Magastos ako kapag lasing kaya napabili ako ng isang bote ng Jack.  Natuwa ang mga bakla, of course.  Tapos nakatanggap naman ako ng tawag from the South Boys na nasa Bed sila lumipat.  Na-excite ako.  Nakalimutan ko nga magpaalam sa mga kaibigan ko, eh.   So fly  ako to Greenfield District.  Sa totoo lang hindi ko matandaan kung paano ako naka pag-drive at nakapag park.  Anyway, nakarating naman ako.  Nasa second floor sila at naabutan kong nagpo-pole dancing.  Pole dancing??  Yes, pole dancing.  Lasing na ang mga becky.  Ang mga straight acting bumakla na.  Then I saw 2 more Path friends.  It was a fun weekend and proud of myself na nakayanan ko pa ring mag drive, although it’s something I shouldn’t be doing. 

This weekend, I plan to have a chill night lang with a few friends.  Wag na muna alcohol.  I’m still treating my gerd problem.  
The moral of the story is, kapag lasing, gumamit lang ng Waze app para maka-uwi.  LOL.

Cheers for the rest of the year.  

Sunday, August 11, 2013

Remember


Inaamin ko, this made me smile this morning.  At least he still thinks about me.  I sincerely hope things will get better between me and him soon.  My heart may have been broken. Pero kahit na paano, kaibigan ko pa rin naman siya. 

Friday, August 9, 2013

Siomai


Hindi ko made-deny.  Nang na mention ni JC na "ok naman" si T ngayon, for a second there medyo na shatter ang emotions ko.  But I immediately had a good grip of myself and reminded myself na rin na... "Hoy bakla... Naka semi move on ka na.  May ibang mahal na yun.  Accept lang. Go!"

No, hindi ko inaasahang bumalik pa sa akin si T 'no.  Di naman ganun ang level ng pagka ilusyunada ko.  Hanggang 50-man bukake lang. Chot! Ang sumagi lang sa isip ko... within that moment... Is kung tuluyan na niya akong nakalimutan.

Minahal ko yun. At mahal ko pa rin hanggang ngayon pero nandiyan lang yung pagmamahal ko sa kanto ng puso ko.  Maari pa ring ibigay sa iba na mas magpapahalaga. Kung kakayanin ko rin siyang pagpahalagahan.

Awaaaaard.

Kahit na inaambisyon ko na ngayon na maging bato, iniisip ko din paminsan-minsan na sana may tao din na maabutan ko ng siomai at sabihan na "hay wana siomai lab por yu... Hopia lab me too."

Thursday, August 8, 2013

World, Torrent. Torrent, World


This is my cat, Torrent. Yep, i named her after the freeloaders' favorite software.  Why? Wala lang.  Baket ba?  Walang basagan ng trip. She's a year and 2 months old. I don't know her exact birth date. Tinancha ko lang when I got her last year. She's not exactly loveable.  Bruha yan sa totoo lang. Di pa kasundo nanay ko.     She's small for her breed (Himalayan).  Kasama ko yan sa kwarto matulog. Dalawa ang pwesto niyan. Isa sa side table ko at isa yung upuan sa writing desk ko.  Di yan tumatabi sa akin matulog.  Bruha nga kasi.  Independent ang peg.  Mabait lang yan sa akin kapag gutom.  

May boypren yan sa labas ng bahay na isang stray cat.  Pero di pa sila nagtotortahan dahil bawal siya lumabas ng bahay.  Prinsesa levels.  Kaya minsan, kapag kating-kati na siya, sumasayaw yan sa sahig at nag-iingay. 

"Pakawalan mo ako! Now na! Gusto ko ng dyug.... Dyug dyug dyug dyug," baka sinasabi niya.

Kahit na madali naman mag-alaga ng pusa kaysa sa aso, may kahirapan din kasi indoor cat siya. So scoop-scoopity-scoop galore ng poop at wee-wee sa litter box kapag may time.  

I had a cat before, si Mimi Sue. At lalake siya!  And when I lost him (na-tsugi siya), sobra akong nalungkot and na-miss ko nang sobra.  Kapag naiisip ko yun, minsan nagsisisi ako na nag-alaga nanaman ako ng additional na pet.  Kahit na bruha tong pusa ko, love ko na rin yan. And when it's her time to go, siguradong malukungkot nanaman ako niyan. 

Wala.  Yun lang kwento ko. Baboo!

Wednesday, August 7, 2013

B.R.


I was never interested in any of Manny Pacquiao's fights. Kapag pogi lang ang kalaban... Which is often. 

Brandon Rios... Hotness... Cuteness... Rawr!

Sunday, August 4, 2013

First time sa Greenfield

Tinitignan ko mga litrato sa phone ko kung may mga kuha from last night. Wala.  So much for memories.  And yeah, back to zero nanaman ako sa goal kong 12-weeks no alcohol.  Pero nagdecide na akong KEBER with that goal.  Kung magkakasakit ako, eh di magpagaling. Minsan lang naman ako uminom, hindi naman araw-araw. Masarap nga naman ang bawal, right? LOL.


First time kong mapadpad sa Greenfield kagabi.  I was with some friends.  We first went to Uno Lounge for some after dinner drinks.  It's a nice place really. It has a lot of potential. But I don't think it's being promoted very well.  Maganda yung place, people should try hanging out there.  It's the kind of place i'd like to go to where I can have  conversations with friends over a meal or pulutan and drinks.  

When the clock striked 12, pumunta naman kami sa Bed.  I saw some familiar faces from the old days (shucks... Umo-old days na ako ngayon). Hugged some of my crushes at sabi ni JC natupad ang pinapangarap kong dilaan ang abs ng isa sa kanila pero di ko matandaan ngayon kasi lasing ako. LOL. 

Tumoma, nandila, nagtawanan, nagyakapan, kumain, nadulas.  That sums up my Saturday night na inabot ng sunrise.  

At hindi ko nanaman matandaan kung paano ako nakapag maneho pauwi.  

Friday, August 2, 2013

Blogger App


Sinisipag na ako mag post ng blog entries. Salamat sa Blogger App, I can now post through my phone.

Bandying Bandying


So anong gagawin ko today na isang Sabado na ubod ng ganda. Matulog. Humilata. Mag "me time" chuva. Mag basketball sa banyo. 

Chot.

Katy the Musical was awesome.  Kung maka "awesome" naman ako para akong straight. But really, I'm so glad I got to finally watch it.  And if Himala the Musical restages  (i hope soon), I'm watching it again. Napanood ko siya 3 months ago and it was really good. Something that I can recommend to my friends. 

Tonight, fly ako to Greenfield District. Di pa ako nakakapunta doon. Doon daw nag crash landing ang bagong Bed Bar pero parang di ko feel puntahan. Uno Lounge gusto puntahan ng mga friendships. Nagpa reserve na daw ng table kaya point of no return of the jedi na itey. Bahala na. Gusto ko lang uminom.  Gusto ko lang makalimot ng mga problema kahit sandali lang.  Oo, ginagaya ko ang peg ni Eric sa My Husband's Lover. 

"Should we stay... Or should we say good bye... Walk away... Or give it one more try..."  Nag apparition bigla si Ate Kuh sa utak ko.

Magtatanghali na at di pa ako bumabangon at naliligo. This is the weekend... Teh!




Posted Blogger app

Not Wasted



My extra ticket won't go to waste after all.  My friend B decided to watch Katy the Musical with me later at the Meralco Theater.  I'm picking him up at 5ish, assuming there will be traffic on our way there since it is already a weekend for most people.  

Na-miss ko ito noong na restage ito last month yata or 2 months ago. Noong first time ito nasa entablado, bata pa ako. Grade school. Ganyang levelzzz.  Napanood yun ni Mudra 2,000 years ago  (pero sinasabi ko sa kanya yan kanina, di daw niya maalala sa sobrang tagal na).  Buhay pa si Katy dela Cruz that time.  At ang idolo kong bata na si Tenten Muñoz. At straight acting pa si Bernardo (x2).

Anyway, kagabi may na download ako na wall paper para sa iPhone ko. Ang message na nakalagay "Everyday may not be good, but there is something good in everyday."  I made it as my wall paper (na hindi naman magkasya kung naka lock ang screen kaya siguro papalitan ko na lang later on) to remind myself  na to always  cheer up.  Depress-depressan kasi ang lola niyo lately, and it's not just because of the stupid decision I made 2 weeks ago.  Nagluluksa pa ang puso kong sunaksakan ng samurai. Echos.   Kaya gusto ko i-remind yan sa sarili ko so I wont be gloomy all the time.  Sabi nga, always cheer up. Basta may nagsabi. Keber.

So for today, the good thing will be watching this musical tonight. I heard it's great.  

Thursday, August 1, 2013

Mistake


I deserve this guilt. It's my fault anyway, after all. Di na dapat ako nagsasalita habang lasing. Kung anu-ano ang napapangako ko, ako din naman ang papako. Fail ka Felipe, fail.  Hindi ako masamang tao pero shit lang. Malaki ang atraso ko.

Gusto ko pa rin mag date. Pero parang natatakot din ako.  Maling-mali talaga ang malasing ako.

Siguro kaya ko pa din mag mahal.  Pero hindi tulad ng minahal ko si...

Yun lang naman. 

Sunday, July 21, 2013

Nakakaloka!

Palakpak.  =)  Ang importante masaya sila, hindi ba? 



Monday, July 15, 2013

Commit

-->
Sa gitna ng sumasayaw na mga ilaw at nakakabinging club music, tinitigan ko siya sa loob ng ilang segudo at doon... doon ko na ipinasya sa sarili ko ang susunod na mga pangyayari.  May tama na ako mula sa mga basong alcohol na itinagay ko sa loob ng dalawang oras.  Malakas ang loob ko.  Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at hinila papalabas ng bar... patungo sa kotche ko sa 2nd floor parking.  Pumasok kami sa loob at doon nag-usap. 

Sa bawat pangungusap may tuldok na halik. 

Mahigit na isang taon na ang nakararaan nang una kaming magkita ni B. 

Una at huli. 

Ilang buwan pa lang nang maghiwalay kami ni Hani noon at may sumpa ako sa sarili na hindi na muna ako magkikipagrelasyon kahit kanino sa loob nang isang taon.  May ilang lalake na nadismaya sa panata ko na yun.  Kasama na doon si B, ang chinitang diwata ng Cubao.  Nagkakilala sa Grindr, nagkita sa Greenbelt, nanood ng sine, nagpamasahe sa spa, naglandian sa spa, nag dinner, dinala sa Alabang, dinala sa condo at buong gabing naghalikan, naghimasan, nag-ungulan, nagsubuan, nagdilaan at jusko ‘day ang laki-laki pala ni General. 

Ganyan. 

Hindi na muli nasundan ng pagkikita na yun.  Napansin kong sumama ang loob niya.  Pero ayoko naman sumabak sa relasyon ng hindi ko gusto o hindi ako handa.  Alabang and Cubao is like so layo, riiiight? 

Hangga’t sa isang araw, makalipas ng ilang lingong hinanakit ng puso ko (nokonomon... CHOT), isang “hello” na facebook message lang mula kay B, napapayag na agad akong makipag kita sa kanya nang walang kaba, takot, hiya o bahala.  Siguro, sabihin na lang nating nag-mature ako nang slight... emotionally. 

Kinabahan ako nang konti na baka may guard na makakita sa amin sa loob ng kotche at baka isiping may ginagawa kaming masama sa loob.  Wala naman.  Kabastusan lang.

Echos. 

“Alam kong gusto mo ako.  Nakikita ko naman yun.  At alam kong mabait kang tao.  Pero nababahala ako sa distansya natin.”

“Hindi problema yun sa akin.  Basta parati tayo mag-uusap.  Kaya kita mahalin, Felipe.  Nagustuhan na kita mula pa noong una tayong nagkita.”

“Alam kong kaya din kita mahalin.  Pero gusto kong malaman mong mahal ko pa rin ang lalakeng kinaiinisan ko.”

“Alam ko.  Tanggap ko yun.  Matututunan mo din akong mahalin.”

Napangiti ako.  Natuwa ako.  Heto ang isang taong nangangakong umintindi sa akin.  Heto ang isang taong handang pagpahalagahan ako.  Heto ang isang taong naghihintay lang ng sagot ko.  Nanligaw.  Hindi naman siya mukhang masamang tao.  Disente siya sa pagkakakilala ko sa kanya.   Ayoko nang patagalin pa ang paghihintay niya na doon din naman ang bagsak.  Kaya pumayag na ako. 

“Payag na ako.  Let’s commit.”

At sa puntong iyon, milagrosong lumabas ang putting usok.  White smoke, may bagong papa!

Alam kong biglaan.  Kung dulot ito ng alcohol o kalungkutan, hindi ko alam.  Pero ayoko na rin mag-isa.  Gusto ko na rin magmahal.  At heto na nga may dumating.  Ba’t pa ako tatanggi?  


Wednesday, July 3, 2013

Station 1

-->
I think I still have a weekend hangover because I’m still missing my long weekend.  I was in Boracay, not to celebrate my birthday because I don’t really celebrate it,  but to be away from everyone.  Or at least everyone that I don’t like.

Ahaha.

Sumama si Teta sa akin kasi 2,000 years ago pa daw siya nang nakapunta sa isla.  Sabi ko, “naku, may progress na sa Boracay.  Namatay na ang mga dinosaurs at madami nang bakla!  More bakla, more fun!”

Chot.

At dahil 45 pounds ang nawala kay best friend, gusto na niyang maranasan ang mag bikini. 



Chill lang naman kami.  Nothing heavy.  During the day, lounge lang sa beach habang lumalagok ng tubig at fruit shakes.  Kapag may poging dumadaan... tinititigan.  Kapag tumingin din.... AKIN SIYA!  

Char.  

Sa gabi naman lumalamon.  And then after that, drinks sa Epic or Juice bar.  Parating maaga si Teta umuuwi para matulog habang ako nagpapa-iwan sa bar.  Gusto ko lang naman talaga uminom at manood ng mga tao.  Pero siguro pagkakamali ko na bumalik pa ako ng Boracay.  Too many good memories turned bad.  For me, at least.  The music didn’t help at all.  Bawat “Million Voices,” “Don’t You Worry Child,”  “Happiness,”  “City of Dreams,” “Clarity,” “Sweet Nothing,” at etc na mapatugtog, naaalala ko ang taong gusto ko muna makalimutan.

Pero kung mayroon mang maganda na naidulot sa akin ang maikling bakasyon na ito, iyon ay ang pagpapahinga sa isip ko.  Gusto ko sabihin sa sarili ko na mas tanggap ko ang kasalukuyan at ang katotohanan.  Mayroon pa ring hinanakit.  Hindi ko naman maiaalis yun.  Kasalanan ko bang ipinanganak akong tao at hindi bato.  But I hope I will move forward.  Medyo vague yata ang description na nasulat ko tungkol sa kung anong nanyayari sa akin ngayon.  Pero ang importante lang, magkaroon ako ng gabay upang tumino.  Tulad ni Eric sa My Husband’s Lover, I also deserve to be happy. 

CHOS. 


Wednesday, June 26, 2013

Panata (habang lumalafang ng French Toast sa Starbucks ATC)

Nakilala ko si Caloy less than a year mula nang maghiwalay kami ni Ed.  Ok siya. Taga cavite (a few minutes of tambling away from the fabulous Alabang!), may trabaho, ka-edad ko (pareho kaming 25. ECHOS!), pogi, straight acting, may kotche at ma-pera.  Sugar Daddy levelssss!!  Chot lang.   Ok na sana lahat.  Ang problema kasi ako mismo.  Ang arte-arte ko.  May nalalaman pa akong panatang wag muna magkaka-jowa sa loob ng isang taon.  Nag-date kami dati ilang beses.  Nanood pa kami ng play na Care Divas.  Ang romantic, right?  Alam ko gusto niya ako.  Hindi lang siya expressive.    Pwera na lang sa tuwing gusto niya makipag halikan at makipag karerahan patungong langit.  Ang sarap niyang humalik pramis.  Pero bigla na lang nawala.  Alam mo yun?  Single ka, wala ka naman ka-commitment.  Kung sinu-sino nakikilala mo. Nakakalimutan mo yung mga nauna mong nakilala.  Hindi ko yun sinasadya pero yun ang nanyayari.  Naging "busy" lang.  Di ko rin masisisi sarili ko kasi sabik ako makakilala ng mga bagong kaibigan that time.

Sayang lang.

Sana hindi na ako umarte kay Caloy.

Makalipas ang halos isang taon, ayan may boyfriend na si Caloy.  Habang ako naman, heto, nag-iisa.  Sabi ko dati mas manageable maging single.  It has it's perks naman.  Lalo na kung bata ka pa o malikot at immature.  Pero kung gagamitin mo rin kokote mo, at yung puso mo din (ganyan?? May drugs yata 'tong Chamomile na iniinom ko), maiisip mo na malungkot mag-isa.  Pero heto ang sitwasyon ko ngayon.  I have no choice kundi maging matibay para sa sarili ko.

Pero mahirap 'teh!  Parang poverty... mahirap.  Chot. 

* tumingin sa bintana at nag buntong hininga

(Pabulong) Mahirap...

Drama levels, duncha just lavette??

Nagkamali ako kay Caloy.  Sana binigay ko na ang aking matamis na oh-oh noong tinanong niya akong "o, irog.... Keri mo bang... You and I... Jowabelles... Like now na?"

Walang mapupuntahan ang isang libong mga "sana" ko.  Wish ko lang ay... mag hiwalay na sila para ligawan niya ulit ako.

ECHOS LAAAAAANG!

Monday, June 24, 2013

TP Link Range Extender

Since sumemplang yung Powerline Ethernet Bridge ko last year, pahirapan na ang pagsagap ng wifi dito sa 2nd floor.  Since Linksys ang main wifi router ko sa baba, napabili ako ng linksys range extender na OA sa mahal.  Ayun, coverage fail.  Hindi pa stable.  Tapos after 3 months nasira.  Ewan ko lang kung bakit.  Kung pinakealaman ng mga inday dito sa bahay habang wala kami, ewan ko na.  Sumubok din ako ng D-link range extender na plug in lang sa outlet.  Fail pa rin at medyo effort ang pag set-up. 

Habang naglalakad sa Harrison Plaza kanina, nakita ko sa Silicon Valley itong TP-LINK Range Extender.  300 Mbps at 2.4ghz.  Sa presyong 2,000 pesosesoses, kaya naman ng dibdib kong magwaldas ng pera para sa isa nanamang extender one more time.  Medyo tanga pa tong staff na mga lalake.  Sabi ko gusto kong tignan yung TP Link range extender.  Sumagot yung isa na wala daw sila ganun.  Eh putek nasa display nga.  TANGA!  Heniwey...    Madali naman siyang i-set up.  Either by pairing it with your existing Wifi Router using the buttons at the back or via web client.  I did the web client method because I felt too lazy to go down and do the pairing. 





Anyway, it works fine.  The thing with wireless extenders is that it cuts the subscribed internet speed to half.  Suppose you have a 1mbps subscription, kapag connected ka sa extender lang siguro speed mo magiging 512 kbps na lang.  But that's still ok as long as the connection is consistent naman.  And I think this is a better product compared to the extenders that I bought previously.  Kasi I'm watching My Husband's Lover online and I'm on the 4th episode na, hindi pa rin pumapaltos! 

LOL. 

Thursday, June 20, 2013

Away on B-Day


I don't realy celebrate my birthday.  I mean, kung ako lang hindi ako magkukusang mag-celebrate.  Nanay ko lang naman lagi ang nagce-celebrate para sa akin.  Kapag birthday ko, kakain kami sa labas.  Siyempre, libre niya kasi nga wala nga ako paki-alam.  LOL.  Ok...  Masungit ako kapag birthday ko.  Kasi sa totoo lang, there's nothing real reason to celebrate.  Sabihin nang OA pero ampon kasi ako eh.  Malay ko ba kung kailan ako talaga ipinanganak.  At noong ipinanganak ako, maswerte nga ba ako?   Is it really a happy birth day for me? Eh buhay nga ako ngayon, wala naman akong kalayaan maging masaya.  Anyway, isang mahabang kwento ang bahagi na yan ng buhay ko na wala akong balak i-kwento. 

Ahaha. 

Toroy long. 

Sige, i-share ko lang.  For three years, parating yung ex ko kasama ko kapag birthday ko.  Ginagawa ko yun kasi nga ayokong nasa bahay mag birthday at siguradong may mangyayari na ikaba-bad trip ko.   Mayroon yung first time ko sa Boracay.  Tapos pumunta kami ng Bohol.  Tapos yung pangatlo yata dito lang sa Tagaytay pero sabi ko sa magulang ko nasa Coron ako kaya pinatay ko telepono ko kunwari walang signal.  Ahaha. Malay ba nila.  Low tech naman mga yun.  Last year, single na ako, hindi ako umalis dahil naubusan ako ng oras na magplano.  Mantakin mo, nakalimutan ni Mudra ang birthday ko.  LOL.  Di naman ako nagre-reklamo kasi ayoko talaga mag diwang.  Nalaman lang niya na kaarawan ko nung nagsidating yung mga greeting cards galing sa mga empleyado namin. 

"Ay!  Birthday mo pala!"  Award.  6PM na nang malaman niya.  LOL. 

So, para matakasan ko ang pamilya ko sa birthday ko this year, para hindi ko i-"celebrate," pupunta ako sa Boracay.  Isasama ko nga pala si best friend Tina.  Para naman hindi ako magmukhang sawi doon.  Actually, ok lang din naman kahit na mag-isa ako pumunta.  Hindi naman peak season so hindi magulo doon ngayon. 

Asumera lang.  LOL. 

I don't plan to party naman.  That personal long weekend is still too short for me.   I just want to relax.  And have a vacation.  Drinking is optional.  Or maybe I'll have a couple.  Expecting, but not hoping, to meet new friends.  Yeah, I need more friends. 

I need all kinds of positive distractions. 

1 more week, 'teh!

Wednesday, June 19, 2013

Tameme.

Inimbita ako ni Norman  pumunta sa Ortigas sabado nang gabi dahil alam niyang kailangan kong gumala.  Itong mga nakaraang mga araw, ewan ko ba,  basta na lang bumigay puso ko.   Akala ko matibay ako.  Akala ko kaya ko.  Kaya lang mitya-mitya, naiisip ko nanaman siya.  Pucha kasi itong puso ko.  Naging bato na yan eh.  Kung bakit nabuhay pa.  Sana naging puso ng saging na lang ito.  Kung mainis, ihahalo na lang sa kare-kare.  Solb ang problema.  CHOS!  Si Norman?  Di ko naman siya matalik na kaibigan.  Sa totoo lang, di niya ako gaano kilala.  Ilang beses pa lang kami nagkikita.  Ang alam ko, trip niya ako.  Pero bilang isang kapwang edukadong tao, nirerespeto naman niya ako. 

Isinusumpa ko ang club na yan.  Mahilig din kasi ako sumayaw.  Mahilig din ako uminom.  Pero putek, sa laging sikip ng lugar na yon sa nagsisiksikang beckies, hindi ka makakasayaw at mahirap bumalik-panaog sa bar. Doon din sa club una akong hinalikan ni T.

"Don't worry," sabi ni Norman.  "Doon tayo sa VIP section kasi birthday ng kaibigan ko.  Hindi magulo doon."

Nakita ako ni JC sa loob.  Nagulat siyang pumunta ako sa club.

"Bakla, anong ginagawa mo dito! Di ba sumpa levels mo na ang impyernong ito?"

"May nagimbita lang sa akin.  Trying to enjoy the weekend."

Nakasayaw. Nakainiom. Nakanood ng drag show. Natanaw kong may artistang babae sa baba ng VIP section.  May nagpatagay ng Tequilla.  Umikot ang mundo. Gumaan ang pakiramdam. Pansamantalang naging masaya.  Yun naman ang importante. 

Di ko na alam ang mga sumunod pang mga pangyayari.  Di ko na rin masyado tanda ang mga lalakeng naka-usap ko.  Ang alam ko lang, masaya ako sa mga oras na yun.  Pasado alas-2 ng umaga nag text si JC at kinakamusta ako.  Di yata maayos ang pagkasagot ko kaya ina-assume na niyang lasing ako.  Sabi niya sa akin puntahan ko SILA sa katabing kainan.  Di ko na pinuna kung bakit PLURAL pero go lang naman ako.  Pagdating ko doon, nakita ko si JC... At si T.   At ang lalakeng kinabaliwan ni gago.  Ewan ko ba.  Siguro masyado lang ako masaya that moment kaya di ko pinansin yung tinik sa biglang tumusok sa puso ko (echos lang!).  Kinausap ko sandali si JC.  Nag-hello  ako kay T.  Tumingin naman ako sa harap at nakangiti sa akin ang lalakeng nasa tapat ko.  Ang boyfriend ni T.  Sa totoo lang, hindi ko na matandaan ang itsura niya.  Alam ko lang nakangiti siya sa akin na parang naaliw sa pagkalasing ko.






Impakta.


Nag-decide akong bumalik agad sa club at mula sa puntong yun, sa gitna ng ingay,  tawanan, landian, yakapan, kapaan ng pwet at daldalan, natameme na ako.  Para bang tumigil na ang lahat.

O di ba ang drama lang?  Pero shet, alam mo yun kapag may alcohol ang sistema mo mas nagiging sensitive ka.  Mas napapaisip ako sa nanyayari sa akin.  Mas nalulungkot ako.  Pero dahil mabagal naman ang takbo ng lahat, nakakayanan ko naman habulin.  At doon nasasabi ko sa sarili ko na ako ang tunay na sawi.  Shet lang ang sakit.

Ang sakit magpakawala sa taong minamahal mo kahit na yun ang dapat mong gawin.