Wednesday, May 9, 2012

Lucky Pup


More than a week ago, my Mom picked up a street pup while she was visiting her newly built rest house in Pansol Laguna.  The story is yung aso ng caretaker ng kapitbahay nila doon na nganak ng mga puppies (malamang!) pero mukhang nalahian ng may pedigree.  So yung mga puppies lumabas na cute.  I think 6 na puppies yun pero nung nakita ng Mom ko tatlo na langang natitira at yung isa binibigay na sa Mom ko kasi wala naman daw mag-aalaga.  So dahil sa na-kyutan naman doon sa puppy, my Mom took home the pup. 

The pup looked weird in a cute way.  She has puffy hair with a huge black spot on each eye and a mark on her left lip.  And she has a bunny’s tail! Normally, mongrel pups are cute only when they’re young.  Sana paglaki niya, cute pa rin siya.  And oh, it’s a girl puppy.  We named her Lucky.  Kasi naman di ba from the streets of Pansol Laguna, alabanger puppy na siya ngayon.  I was suppose to bring her to the vet this afternoon for her anti-rabies shot but I forgot about it.  Maybe this Saturday na lang. 

Mabuti na rin na there’s another dog sa house.  At least Big Boy gets to exercise.  


Tuesday, May 8, 2012

No Goodbyes

A good friend of mine will move to Singapore soon and it kinda leaves me feeling a bit sad about it.  Seriously, I’m happy for him.  Mas malaki sweldo doon and we have friends who also work there kaya I’m sure we wouldn’t feel home sick that much.  Mag e-enjoy pa siya doon.  Pero nalulungkot lang ako na unti-unti nawawala ang barkada ko.  Two months ago, one left for Australia.  Last year, dalawa na ang nauna sa Singapore.  And I hear my other friends are also thinking of working in Singapore.  Naiisip ko lang na baka isang araw ako na lang ang naiwan dito sa Pilipinas.  Di ko rin naman sila masisisi.  They want better paying jobs. Whereas ako somewhat satisfied na ako dito. Although frankly, imbyerna ang Gobyerno dito.

Mami-miss ko lang talaga sila kung karamihan sa kanila mawala.  I guess that’s just it.  Alam mo yung mga matatandang magkakaibigan na magugulo kapag nagkakasama?  Heto yung kami, yung younger version. 

Well, nagpapasalamat na rin ako sa Diyos na nabiyayaan niya ako ng mga mabubuting kaibigan.  Sana dumami pa sila.  And this is me being positive. =)




Tuesday, May 1, 2012

Hindi Ako Natawa


Nalibugan ako!  Ang cute niya!  =)