Sunday, October 23, 2011

Guardia Sibil

It's bongga.

How bongga?

It's bonggang-bongga.

We have a guard. Yes, as in gardo. Taga bantay ng bahalia ni mudra. Dalawa, actually. Isang pang araw, at isang pang gabi.

Bakit kami nagka-gardo?

Naku, mahabang kwento. Kasing haba ng titi ni *bleep!* At hindi ko ike-kwento dahil tinatamad ako. Bakit ba? Kung sa tinatamad ako, eh. Basta it involves my Mom's ka-praningan. Pero temporary lang naman ito.

Gwapo ba kamo yung mga gardo?

All caps na flaming HINDI!!!! Pucha, kung may pogi sa isa diyan, eh di sana nasesante na agad yun dahil sa pagkakasalang rape sa dalagita ng reyna ng bahay (ako yun, ako yun!!!). Yung isa mukhang kalansay, at yung isa mukhang butete kaya siguro naman kung may taong may masamang balak na susugod sa bahay namin, matatakot na sila sa early Halloween mascots namin.

Grabe naman kagabi, yung day guard (Kalansay) tumuloy sa pagiging night guard dahil hindi sumipot yung totoong night guard (Butete). 'Yan ang power! Pag labas ko ng bahay kaninang umaga, aba gising na gising pa si Kalansay na naka complete ng 24 hours na bantay. Bravo levels, 'no?

Sana matapos na soon ang pagka-praning ng nanay ko dahil affected ang social life ko sa pagkakaroon ng guard sa labas ng bahay namin. Aba, hindi tuloy ako makapag-uwi ng boys!


Sent from my iPad

Wednesday, October 19, 2011

I Gotta Feeling



Sumakit ang bangs ko. LOL.

Tuesday, October 18, 2011

I Miss It Like Crazy ang Peg

I miss men.

  

No, don't get me wrong.  My previous statement that I'm enjoying my singlehood stays.  It's just that I miss intimacy. Meron naman akong dalawang nakabongkang kahit na paano lately at puta, sumasakit ang ngalangala ko sa hardcore blowjobs na yan ha.  Subo, dila, subo, dila.  Ayoko nung ganun.  I mean, Ayoko nung ganun for now (hihihihi).  Gusto ko yung masarap na halikan.  Yung masarap na yakapan.  I miss hugging!  Yung kahit kunwari lang may pagmamahal na kasama sa bawat halik at yakap.  Eh itong mga nakukuha kong mga lalake, di man lang matandaan ang pangalan ko.  Pang gabi na lang ba ang beauty ko ngayon?  

  

I told TG about me missing men.  At sabi niya he misses men too.  He hasn't been intimate with anyone for   2 months daw.  Ewan ko ba with us southern belles.  We're so conservative.

  

Charing!

 

Sa totoo lang nung nagkaaminan kami na we both miss men, I was hoping that he'd give me this one special hug.  Pag-bigyan lang ba.  Parang Thank You girl.  Kahit hug lang!  Basta yung matagal at comportable.  Eh kaso we were in the middle of Starbucks AND... he already made it clear  1 month ago that we're just friends.

 

Fine. 

 

Honestly, minsan hindi ko rin siya maintindihan why he's nice to me.  And often, I imagine that he likes me but doesn't want to admit it to me yet.  Yep, wishful thinking.  Pasensya na, sumi-sixteen lang.


The only thing that I have been hugging lately are my 2 pillows who I imagine as this hot starbucks barista  who I see often at the gym.  He's so hot talaga!  

 

Why oh why was I not born gorgeous?  Mase-seduce ko sana siya (ah yeah, feeling ko bading siya... Buong-buo nga lang ang paminta niya, wala pang nakakadurog). 



Sent from my iPad

Tuesday, October 11, 2011

Deleted a Planet

Last week, I created a Planet Romeo account, hoping that I could meet someone decent.   Kahit date man lang.  Don't judge me…. I'm single!!!  LOL. 

Just a few minutes ago, I deleted my account.  Naman!  Nobody told me that PR is a jologs gay site.  Hay naku!  Noong una natawa ako sa mga masahistang pokpok na nago-offer ng "services" nila.  So deadma lang.  And then came the messages from badettes that include the word  "poh."  

"Helloh poh."

"Pwede poh bang makipag kaibigan?"

"aN0wh pow @ng c3llphON3 nUmbeR N!nyowh? frieNds nah T@yoh HuAh?"

Jusko.  

And then the indecent proposals.  Tapos kailangan ko pa daw sunduin sa Pasay.  O, sa Fairview.

Sundo?

Sa Pasay??

Sa Fairview??

No car?  Death!!!    

Wala bang lawyer diyan, o doctor, o engineer, o business man, na mukhang tao man lang, yung maayos mag salita… pero bago diyan… maayos muna mag-type ng message kasi pucha naman keyboard na nga ang gamit naka short-cut pa rin kung magsulat.  I guess the only way I can date those kinds  of people is through friends' recommendations. The messages made me think na hindi sana ako nagbukas ng account sa PR kung  pinatulan ko na lang yung offer ni Citibanker na naka-date ko 3 weeks ago na naka Mitsubishi ASX na maging exclusive date ko.  Eh nagmaganda ako.  Sabi ko I'm not looking for a relationship.  Echosera ko talaga. Eh ang tanga-tanga ko naman.  Exclusive date lang naman, hindi jowa.  So ayun, bye-bye good catch guy.  Kung nakatira ka lang sana sa Alabang imbes na sa Marikina, hindi na sana ako nag-inarte.  

Pak.

Pakshet.  


*****

I called T and told him all about this.  I was expecting judgements sandwiched between sarcasms.


"Hu-what??  You had an account on Planet??  Felipe, I know you're ssssssad but I didn't know that you're THIS ssssssssssad!  Wawa ka naman!  Ehehehe."


Gee.  Thanks T. 




Sent from my iPhone

Monday, October 10, 2011

Ulan

Dalawa.

Naka dalawang itlog ako this week.

Yesssssss!

Define tigang. Tigang is not me. Bow. Haha. Ok fine. Merong drought sa kembang world. Pero keri lang. Happy na ako sa two. Kahit na hindi ko hinahanap naman masyado. Salamat sa hectic na schedule.

As much as I wanna go out with the guys I have been talking to online, parang nakakatamad din. I'm not interested with any of them that much na lalabas pa ako sa zip code 1780 to meet them. I'm contended na kasi with quiet weekends with my friends. Parang matanda lang. Maybe it's the age thing. Or, right now I don't want to get involved too much in the dating scene.

I'm not complaining. I'm just saying. I'm okay with this situation.


Sent from my iPhone

Sunday, October 9, 2011

Bo's Coffee

At heto ako ngayon. Sa Alabang. Malapit sa ATC. Nagka-kape mag-isa habang may nilalamutak na chocolate cake na bukas pipilitin kong sunugin sa gym. Nag-post ng location sa FourSquare. Na naka-autopost naman sa Facebook at Twitter. Praying sa mga diyosa ng mga malaladi yet sawi na sana... Sana... Mapansin mo ang location ko at bigla mo akong puntahan para sorpresahin.

Chos.

Chos 'tong imagination ko.

Asa pa ako.

Sent from my iPad

Thursday, October 6, 2011

Guni-Guni

Inaamin ko, every bed time, I think of you. Ay, ewan ko ba kung ano 'tong nanyayari sa akin . Crush lang naman kita. Hindi ako in love. Pero ayan nga, lagi kitang iniisip. Bwisit. Ikaw kasi eh. Hindi mo ako type.

LOL!

Ba't ba kasi ang bait-bait mo pa sa akin? Ang dalas natin magkita. Every weekend na lang. Parang commitment. Ahahaha. Shyet, kinilig ako sa sinulat ko. Buti napagtiya-tiyagaan mo ako, 'no? Teka, bakit nga ba?

Binibigyan mo ba ang sarili mo ng pagkakataon na magustuhan ako?

Konsiyensiya: umaasa ka naman ba?

Ako: Ay pota... Buhay ka pa pala??

Last Sunday, you asked me if I was going to have my usual Sunday night coffee break in Madrigal. I asked you if you wanted to hang out. You replied with "only if you want."

Only... if.... I... want??

Alam mo, kinilig ako doon sa sagot mo, kahit na it doesn't mean na you like-LIKE me. Kasi parang sacrificial pa on your part if we hang out after dinner ...but still, you would. I know you said na you want us to be friends lang. And Ricka, the chikadora, did warn you not to give me wrong signals. I hope you're being nice to me because it's your nature. Well, I know you're a good guy. Again, I'm not in love with you. I just like you. But right now, parang unti-unti yata akong naloloka sa situation. Hindi ko naman binibigyan ng malisya ang pagkakaibigan natin.

Putcha. I think this means I need a date. Hindi ko naman kailangan magpafertilize ng garden. Although kung meron, keri lang. Passive. Ganyan. LOL. Sa edad kong ito, bumagsak na ang libido ko. Pero mas nami-miss ko ang cuddling at hugging. Gusto ko yun eh!

Pero ayoko na yata ng new date. Happy na ako na kaibigan kita. Kahit na hanggang doon lang tayo. Magkaibigan. Natutuwa na ako na natititigan kita sa mata. Natutuwa ako na napapatawa kita. I love it when you laugh. Yung parang natatawa ka sa akin kasi nae-eskandalo ka sa mga patawa ko. LOL!

Sana...

...pwede kitang i-hug. Kahit... Wala lang. Kahit... magkaibigan lang tayo.

Kahit yun lang.

Kahit na matangkad ka. LOL!

Sent from my iPad

Saturday, October 1, 2011

Korean Diary

Sept 26

Bumabati sa inyo mula sa bayan ng Hyundai Starex at Sandara Park, ako po si Felipe, 25 (echos), representing Alabang... Muntinlupa... City!!!!!

FYI, pinilit lang akong isama sa trip na ito ni mudra at pudra. As expected, ako ang dakilang tagabuhat ng mga bagahe nila.

Hindi... Ito... Gawain... Ng... Isang... Beauty... Queen!!!

Tanginang flight yan o. Mula sa Pilipinas, ang 11am flight Manila to Hong Kong ay naging 11:50am dahil hindi maka-alis ang eroplano namin dahil 5 na eroplano na ang nakapila sa runway, lumalakas pa ang ulan. During the flight naman, ang inaakala kong lunch ay snack lang pala. Di talaga ako mabubusog sa monay na nagswimming sa mantikilya.  Pagdating namin sa Hong Kong, 1:50pm na. Walang time para kumain o umihi o umebak dahil medyo lang 2:25pm ang departure ng eroplano. Napa-marathon kami ng nanay at tatay ko sa pagtawid ng Hong Kong airport mula gate 3 hanggang gate 71. Natuwa pa nanay ko nang ma-annouce ang pangalan niya sa paging system.

"Mom, late na daw tayo. Iiwan na daw tayo."

"Hihihihihi... Pangalan ko yun... Hihihihi."

Photo finish naman kami na may greeting na nakasimangot na mga chekwa sa eroplano.

Flight from HK to Seoul, akala ko ang snacks natapos sa mani at softdrinks. Naku, kapag gutom kasi ako, ang sungit-sungit ko. Maya-maya, nag distribute naman sila ng chicken with rice meal. May katuturan din naman pala ang 3-hour flight to Korea. Natuwa naman ako at ang mga bulate ko.

Bulate: "yehey!"

Ayan. Bongga ang Icheon Airport. Mahihiya ang mga officials ng Manila Internal Airport, kung may natitira pa silang hiya sa mga katawan nila. At imagine mo na lang ang frustration ng tatay ko na dating sundalo na lumaban para sa South Korea noong Korean War. Noong araw daw Pilipinas ang progressive sa Asia sunod lang sa Japan. Ngayon, napagiwanan na tayo ng buong mundo.

Lahat ng kotche dito equipped with GPS.  Kahit taxi.  Bongga, right?


We are now booked at the Grand Hilton Seoul. Haggard. 1.5 hours ang layo mula sa airport. At dahil ultra haggard ang mga magulang ko, kasalukuyan na silang humihilik para handa na sa bukas na kay GONDO.


Walang WiFi.  :(  



Sept 27

Wow. Grabe. Wala talaga. Wala talagang gwapo dito.

Ahaha ahaha.

At dahil ang plano lang namin sa umaga ay pumetiks, Mom, Dad and I tried going to downtown via Hilton Hotel bus to explore. Useless ang grade school english lessons namin dahil hindi naman marunong mag English ang mga tao dito. LOL! Ay nako. Dahil nag give up na ang tuhod ng tatay ko, bumalik na lang kami sa hotel for lunch. Afternoon, we were able to join a group tour to Changdeok Palace, an amethyst jewelry store (Mom bought a necklace and a bracelet), and 2 city markets.




I got bored, actually. Puro lakad, puro palace, puro kwentong concubine ng mga Emperor. Wala bang kwentong kabaklaan? Ehehe ehehe. Pero love ko yung parang divisoria dito. It's called Namdaemum market. Fake-ness lotsaness. But compared to divi, mas maayos ito, mas maluwang  at di hamak na mas malinis. Wala ako nakitang basura at all.



Anyway, like what I said, walang gwapo dito. Well, actually, BIHIRA ang gwapo dito. Pero kanina naloka ako doon sa isang tinderong binilhan ng bag ng nanay ko. May pogi factor naman. 3 out of 5  stars, ganyan. At dahil uso dito ang slim jeans, bakat ang itlog ni kuyang tindero. Sarap!

i can't wait to go home. Yeah i know, i know. We've been here for only 24 hours. I'm a horrible traveller. But We are so helpless here. Well, I'm so helpless here. Haha. Uy, hindi naman sa anumang kabaklaan. Wala lang kasi ako kakilala dito. Walang kotche. Walang happenings. Walang GPS akong dala! Kasama ko lang si mudra at pudra. Sa ibang salita, wala akong powers! Ganito pala ang feeling ng maging hampas lupa.

Chos!



As I'm writing this, CNN is reporting that the typhoon in the Philippines so far has killed 7 people . Homaygad.


Sept 28

We went out to downtown again this morning on our own. Mom and Dad did some shopping at the cheap stores at the underground shopping center. I was Mom's personal calculator and currency converter. Good thing I have this iPhone app called XE Currency that converts currencies even when my phone is offline. You just need to manually update the rates once in a while. Nakakatuwa.

Naloloka ako sa mga slim fit pants ng mga lalake dito. Kahit hindi sila ganun kagwapo, napapatingin pa rin ako sa mga crotch at pwet nila. Ahaha ahaha. At bihira ang mataba dito ha. In fairness.  Eh tignan mo naman ang pagkain nila dito very healthy.  At walang lasa.  LOL!



We just got home from watching Namta, this Korean musical comedy na puro tambol at ingay. Ala Stomp, kumbaga.

"The musical has a simple back story of three cooks attempting to finish preparing a wedding banquet within a strict time limit while the manager installs his incompetent nephew among the kitchen staff. The show involves acrobatics, magic tricks, comedy, pantomime and audience participation. The unifying element throughout the musical is the use of traditional Korean samul nori music, which in this case in performed with improvised instruments, such as cutting boards, water canisters and kitchen knives. The performance is almost completely non-verbal. The very few words which are spoken are in English. (http://en.wikipedia.org/wiki/Nanta_%28musical%29)"

Funny naman siya kahit na paano. May hotness na mga afam sa audience. Ahahaha. Yun pa talaga ang napansin eh, 'no? We had Korean food after the show. Unless we went to the wrong Korean restaurant or wala talagang lasa at dinadaan lang sa anghang ang pagkain ng mga tao dito. Yan pala ang sikreto ng pagiging balingkinitan.



Sept 29




We visited this Koreal Folk Village that is 1.5 hours away from Seoul. Di talaga maka register ang mga city names sa utak ko. They all sound the same! Some end with guennn... iba with deun. Iba sound like weunn. Aba, ewuenn kew bah.  The village is  fake kasi replica lang siya ng kung paano mamuhay ang mga Koreans noong araw.   Nayong Pilipino levelings, ganyan.  It was built by the government during the 70s I think, kung tama ang pagkaintindi ko sa guide namin na kung magsalita parang kumakanta ng kundiman.



Sa Folk Village meron dapat show na ipe-present ang mga farmers kaso mo masyadong malakas yung ulan kaya cancelled ang performance nila. However, natuloy naman yung horse show performance na binubuo ng isang majondang bilat at mga lalakeng bagets na may potential na maging superstars sa asian boys dot com.

Ihihihihi.



Dinala din pala kami ng guide namin sa Blue House. Parang sa Amerika yung While House, dito naman yung Presidente nila nakatira sa Blue House.  Ang pilosopo 'no?  Ang daming pulis... Mga naka slim pants din. Ihihihihi. Keri naman nila kasi hindi naman sila matataba. Hindi katulad ng mga pulis sa Pilipinas na mga mukhang butete.



Sept 30

At dahil ang tatay ko ay nakasama sa Korean War noong araw, pumunta kami sa Demilitarized Zone. Ito yung boarder na kung saan nahahati ang North Korea at South Korea. So yeah, kamusta naman ang security di ba? Para kaming papatayin ng mga sundalong Koreano kung sila makatitig sa amin. Nakaka-windang. At wag ka. Tourist attraction ito. LOL. We went there not as part of a packaged tour. Dinala kami doon courtesy of the Philippine embassy. Bongga right? At mga sundalong pinoy pa ang nagdala sa amin doon, in private cars. Parang magnanakaw na Pinoy congressman lang naman ang dating namin. It was an hour ride from our hotel.



Ang tour guide namin ay galing sa US Army. Hindi siya photogenic pero pogi si bagets. Hihihihi.

Cutie siya.  Hihihihihi

Nasilayan namin ang North Korea! Exciting! Grabe para itong awayan ng dalawang Korea 'no? May eksenang kidnappan at hukayan ng mga hidden tunnel para lang salakayin ng North Korea ang Seoul. Nakaka-awa din ang condition ng mga tao sa North. Biruin mo, mas priority pa ng Gobyerno ng North Korea ang gumastos para sa mga weapons kaysa pakainin ang mga mamamayan nila. Kaya madaming taga North ang gustong tumakas at lumipat sa South. Ang ending, tsugi sa border.

North Korea's Propaganda Village.  Read about it here.  http://en.wikipedia.org/wiki/Kij%C5%8Fng-dong

Sa ngayon I'm in the hotel room. Mom and Dad went to a function at the Philippine Embassy. Hindi na ako sumama dahil hindi ko trip. And besides, i want to rest now. I mean, ayoko nang gumalaw. Di ako masyado nakatulog kagabi dahil nagsasagutan sa hilik ang nanay at tatay ko.   Sa totoo lang hindi ko gusto ang trip na ito. I'm just glad that we're going back to Manila tomorrow.

Kamusta naman ang sasalubong na bagyo sa amin, di ba?



Oct 1



Flight back to Manila, upgraded to Business Class.  Bongga!