Wednesday, August 17, 2011

'Lang Kwenta

So, heto si Wednesday. Gumising ng alas-6 ng umaga, as usual, at 20 minutes nakipag wrestling sa sarili para bumangon sa aking California king bed. *CHING!* And then I realize I'm not suppose to go to work today because….

Basta ganun. Just because.

After breakfast, pinaliguan ko si Big Boy (see previous post) at habang naghahabulan kami at nagkakalat siya ng sabon sa garden (parating may ganyang eksena), napansin kong parang ang daming langgam sa isang spot ng garden namin, near the swimming pool. Ewan ko kung bakit pero ganun. Baka doon bumagsak ang pawis ko dahil sweet ako.

Walang makabuluhang pangyayari ang isasaad ko sa post na ito. Mga litrato at video lang ng mga langgam.

LOL! :P












Para lang may mai-post. Ganyan.

Tuesday, August 16, 2011

1 Year Old Na Siya!

Ang bilis ng panahon.  Parang kailan lang inuwi ko siya galing Tiendesitas.  Nakatulog pa nga siya sa lap ko habang nagmamaneho ako pauwi.  Tapos ngayon, para na siyang malikot na biik.

Isang taon na si Big Boy!


Tuesday, August 9, 2011

Kras

Hindi ako kinabahan. Hindi ako nag-alala. Hindi ako nagdalawang isip nang imbitahin ko siyang makipagkita. Tutal, 3 months na rin yata kaming nagco-communicate through, Facebook, SMS at What's App. In fairness, nasulit ko ang What's App dahil magkaiba ang service providers namin. Sabadong-sabado, namomoblema ako kung paano ko gagamitin ang weekend ko. Hindi nagparamdam ang mga kaibigan ko. Yung isa may review. Yung iba may date. At yung isa naghahanap ng inner peace, kung ano man yun. So naisipan kong yayain si TN na lumabas.

"Doing anything tonight?"

"No plans as of the moment. What's up?"

Naku, ayan nanaman ang mga "What's up" na yan. Ano ba talaga ang tamang sagot kapag tinanong ka ng "what's up?"

"Showing ang Babae sa Septic Tank in SM Southmall tonight. I'm planning (Echos!) of watching the 9PM screening. Come with?"

Come with… ang sushal. Matagal ko nang naririnig ang "come-with-come-with" na yan. Obviously, short cut yan ng "wanna come with me/us?"

Aba, after less than a minute, sumagot naman siya agad.

"Yeah sure! Let's!"

"Great. I'll pick you up at 6pm so we can buy tickets and have dinner."

Nakilala ko si TN through Grindr a few months ago. Nakabandera picture niya doon. Sabi ko pogi. Nakabandera ang picture ko din doon. Nakita niya kaya nag hello siya hindi dahil naloka siya sa ganda ko kundi dahil nakikilala niya ako. Marami kaming common friends, we live in the same village, hindi nagkakalayo ang mga edad namin and we come from the same school. In a few days, we exchanged numbers and facebook pages but it almost ended there. We didn't message often. But we'd always say hi naman whenever we're both online. So you see, marami din namang mababait na tao sa Grindr. Hindi lahat manyak. LOL!

6PM. The house in front of the park. Right. And there are 10 houses in that row. But I recognized the guy in white shirt and jeans standing on the side of the road. Oh, great. Pogi. Mahal ko na siya. Chos.

Pagkapasok niya sa kotche, nagtawanan kami nang konti kasi naman finally, nagkita na kami, after 3 centuries.

We bought the tickets and had dinner right away. Grabe and carbo loading ang ginawa namin. Napadami ang order. But it was alright. It gave us time to talk more. It's refreshing to finally meet someone who grew up in the same environment as I did. Kung may ihihirit ako about my old school, maiintindihan niya. Kung may iihirit siya about the politics in the village, maiintindihan ko din.

"Oh… yes… absolutely…. I know exactly what you mean."

After a thousand calories of pasta... and a yogurt, we were at the movie house. Hindi ako sigurado noong una kung trip niya ang mga tagalog movies pero nag-Oo naman siya when I invited him to watch it. May pagka inglisero kasi ang taong 'to kaya minsan feeling ko kailangan kong kumain ng dictionary. Pamilya ng mga inglisero kasi. Ganyan. Nag-alala ako sa first part ng movie. Aba, pucha, nagda-drama si Miss Eugene. Medyo matagal-tagal ang mga eksena. Seryoso ba 'to? Maling pelikula ba ang napasukan namin? Hindi ba dapat comedy ito? Naku baka nababato na si TN. Buti na lang bumawi din at lumabas na ang comedy. Whew!

Pagkatapos ng movie, habang naglalakad at nag-uusap kami ni TN sa hallway, pabalik na sa kotche, doon ko siya unti-unting napagmamasdan. Yung kanyang tawa na natatangi sa isang taong edukado. Ang kanyang mukha na maamo. Medyo matangkad siya. Pero lahat naman yata ng tao mas matangkad sa akin eh. May pagkakulot ang kanyang buhok parang ako… something-something years ago. At naku-kyutan ako sa kanyang chinitong mga mata. Napapangiti ako habang nilalarawan ko siya. Madami sa mga katangian niya, swak na swak sa akin.

Confeermed. SI TN ang aking bagong crush. Pero mukhang sa ngayon, hindi ko pagkakainteresan na magka relasyon sa kanya, o sa kanino man. O, statement 'yan. Sa ngayon, mas gusto ko na lang siya muna maging kaibigan. Gusto ko din muna maging single. Pansamantala, magpapakakilig na lang ako habang iniisip ko siya.

Wednesday, August 3, 2011

Burnout

Every night, I have been sleeping late. And I ask myself, on what am I wasting my energy on? It's that time of the year again when I feel lousy about myself. I'm so busy with work, I don't even have time na to say hi to my Grindr friends (hihihihi). And at the end of the day, kahit na ang dami kong nagawa, feeling ko wala pa rin ako na-accomplish.

I want a vacation. And I think I can take one kahit na mag-isa lang ako.

Sent from my iPhone

Upgrade Fail


Kasalukuyang naba-bad trip ako.  Bakit kamo?  Kasi after upgrading both my iMac and MacBook to OS X Lion, malaman-laman kong hindi pala compatible itong Warcraft- Frozen Throne ko sa OS X 10.7. 

Haykenatbilibit. 

Gusto ko pa namang mag DOTA ngayon.  As in now.  Tapos hinahanap ko yung installer CDs ng Warcraft at Frozen Throne ko because I have been using a CD patch to play the game.  Baka kamo maremedyohan if I reinstall the game.  I found the WC box but the CDs are not inside.  Di ko matandaan kung saan ko nilagay.  Ang alam ko…. ang alam ko…. ang alam ko…. 

HOMAYGULAY!

…hindi ko pala alam.  Di ko talaga matandaan. 

It's just one of those days na, wala lang, nakakabanas. 

Tuesday, August 2, 2011

Hindi Madramang Single

Parati kong sinasabi sa mga kaibigan ko na hindi ako madramang tao. Totoo naman yun. It has been one month since the break up. And i don't think i ever complained to anyone about being single. I didn't have a horrible relationship with my ex for 3 and a half years. It was actually great and i learned a lot from him. But i'm embracing my singlehood now. I'm enjoying it. Hawak ko na ngayon ang sarili kong oras. I am not obliged to meet up with anyone on a regular basis. One good outcome of this singlehood is that I get to see some old friends again. Some i get to talk on FaceTime. FaceTime babad kumbaga. Sa mga naka-usap ko, we just did a lot of catching up. At hindi ko na kailangan ipagpa-alam pa ito kahit kanino. I get to talk or meet anyone i want any time.

I don't want to get into a relationship. At least not soon naman. I'm open to dates, though. It's never wrong naman to meet new friends. I had one 2 weekends ago and it was a blast, na walang halong malisya.

Chos.

Kung gugustuhin ko man magkaroon ng ka-relasyon soon, kaya naman ng powers ko. Yun ay kung hindi ako mag-iisip nang mabuti. Subo lang nang subo sa kung sino na lang ang dumating. Pokpok levels, I KNOW! May tatlong manililigaw. Yung isa, thunder cat na hindi ko talaga type. Yung isa alam ko hada lang ang gusto sa akin pero ewan ko ba. At yung isa, ok na sana. Cute (na malaman), has a stable job, has a car, close to my age at alam kong mabait na tao. Kaso taga Fairview so kamusta naman taga Alabang ako.

Nakakapagtaka lang din. Since July, sobrang busy na ng schedule ko. And during the week, ang inaatupag ko lang naman ay trabaho. Himala nga na nabibigyan ko pa ng panahon ang Personal Training ko sa gym 3 times a week. Pampadagdag sa schedule na ok lang din naman. Pero kapag weekends, libreng-libre ako na makipag kita sa mga kaibigan ko, kung may usapan man. Ewan ko rin din. Kung kailan ako naging single, at saka naman sila naging busy din pati weekends.

Ang drawback lang so far sa pagiging single ay effort maghanap ng lakad kapag weekends. Kasi nga wala na yung regular na kasama ko. Pero mabuti na rin ito. Kahit na paano siguro mapipilitan akong magpahinga. Pero ang gusto ko makasama ko ang mga kaibigan ko. Bihira ko na sila makita. Doon lang ako nalulungkot.

Nami-miss ko ang barkada ko.

Pero totoo, hindi ako madramang tao, ok?

* sniff, sniff

Monday, August 1, 2011

So This is How It Feels To Be A Floor

The kings of viral videos are back!


Kaloka. Hinahaluan ko ng malisya. LOL.