Friday, November 18, 2011

2 Saturdays Ago

2 Saturdays ago, my friends and I went on an over night stay in Corregidor. Why Corregidor? Wala lang. Na curious lang ang mga lola. Medyo nakakapagod ang biyahe ha. Ganito. I'm not sure about the day trip fee, but ours kasi is 2,600 pesos per person. That includes round trip transfers, island tour, terminal fees (yes, may ganyang eklat… haha), welcome drink, buffet lunch (don't expect much) and over night accomodation at the Corregidor Hotel. One room is good for upto 3 persons. 11 kami so 4 rooms ang nakuha namin (ang galing-galing ko sa math, salamat kay Dora the explorer).


Hindi ko alam kung may ibang tour agency na gumagawa nito pero we got the package from Sun Cruises. Iba ang place kung saan nabibili ang tickets at kung saan ang boarding area. Nabibili ang tickets doon sa tabi ng Harbor Square. Ang boarding area naman ay doon sa likod ng Folk Arts Theater pa.

Boarding time was at 7:30. We left at 8AM. Less than One hour and a half ang biyahe. Pagdating sa port ng Corregidor, naka-abang na doon ang mga bus. Each bus is numbered. Sa ferry pa lang, sasabihin na ng tour coordinators which bus each group should go to. So hindi naman kami nagkagulo dito.

Ang bus na walang mga pintuan na ginagamit sa island tour





Bumisita kami sa iba't ibang shrine, Gun locations at mga ruins. May optional Malinta Tunnel tour for 300 pesos pero hindi namin kinuha yun. Mas interested kami doon sa night tour. After the day tour, dinerecho kami sa Hotel for the lunch buffet. Ok naman ang food. Nothing fancy. Friendly naman ang staff. After lunch we rested in our rooms. 




5PM and start ng Night Tour. 150 pesos lang ito. Kasama na dito ang sunrise tour the next day na hindi na namin pinuntahan dahil effort gumising nang maaga. LOL. Sa night tour, again, we visited old buildings, and ruins after watching the sunset. Pero ang highlight nang lahat ay ang tour ng hospital area sa Malinta tunnel. Sira-sira talaga siya kaya kailangan ng helmet para sa tour na ito. Corny nga eh. Wala akong naramdamang mumu kahit na nag-lights out pa. Takot fail, ganyan.

Pagdating sa hotel, ayan dinner na. Mahal ang food sa Corregidor ha. 200 to 300 pesos ang labanan. Award. Pati drinks. Kaya sinulit na lang namin ang bonding tiime sa 4 na litro ng Red Horse. Ang butch-butch! LOL. Medyo hindi kami satisfied sa trip kumpara sa binayad namin. I feel na masyadong mahal pag magovernight ka doon. Pero nasulit ang weekend dahil masasaya itong mga kasama ko.

Ang mga becky patungo sa beach.
The next day, dahil sa ako ang pinakama-agang nagising kahit na ako ang pinakalasing, ako na rin ang unang kumain ng breakfast. Ayun. Na-holdup sa breakfast. LOL. Nang gumising yung mga kasama ko, kumain sila sa canteen na malapit sa hotel, McArthur Cafe. Mas mura ang pagkain doon. May pagka-slowwwwwww nga lang yung Manang na namamahala. Pero friendly naman siya. Namasyal kami nang konti sa beach. Hindi na namin inattempt lumangoy dahil mabato. Pictorial nang konti dito at diyaan. Tapos nag pack na kami ng gamit namin.



Boarding back to Manila was at 2PM. Nakadating kami sa CCP Complex before 4PM.


Pagdating sa parking fee, 300 pesos ang overnight charge.  Yes, mas mahal pa sa airport parking!  Bad trip.

Overall, masyadong magastos ang weekend na ito.  Sinasabi ko sa sarili ko na nasulit naman sa bonding namin pero... magastos talaga mag overnight sa Corregidor!  LOL.  :P

Wednesday, November 16, 2011

Nega

For days... weeks... months.... ilang beses akong naloloka sa mga HIV/AIDS updates na yan and I couldn't help but think, what if may sakit na pala ako? Anong gagawin ko? Anong sasabihin  ni Mudra? Paano ako mabubuhay? Gagayahin ko ba ang death scene ni Ate Vi sa beach sa pelikulang "Pahiram ng Isang Umaga?"

Sabi nga ni McVie sa isang blog entry, yung kaibigan niyang bihira na ngang makipag-dyug tapos hindi pa nakikipag-anal, na-infect pa. It could also happen to me! Sa dami nang titi na naisubo ko (o, yabang, shet), baka isa doon may dalang deathly something-something!

Heto, kaloka. The other day, nagchi-chikahan kami ni @ohlalao about that nga. You see, NEVER pa akong nagpa-HIV test.

Ever-er-er-er-er-er!!! (echo effect yan parang sumigaw ka ng She-Rah).

So you can imagine ang loka levels ko with all these news I have been hearing lately. OK fine. Hindi na ako sakop sa 20 to 30 average age range ng infected. Pero, mukha pa rin akong 28.

Asa ka pa, Felipe, ASA!

LOL!

@ohlalao convinced be to get tested. You know, after having that chika session with him, it made me a little more comfortable to get tested. Sabi nga ni bakla, kung maaga kong malaman ang status ako, mas may magagawa din ako.

So ayun, single. Single ang status ko. Hala sige, pila na. CHOS!

So I decided to get tested on Saturday. I chose to have it done sa HP Diagnostics in Alabang near Asian Hospital. Pero yesterday, sinilip ko lang kung saan ang location ng HPD, at tabi nga lang talaga siya ng drive way ng Asian Hospital. Nakakita ako ng vacant parking sa kalye at doon na mismo nagdesisyon akong magpa-test na.

DIZIZIT! DIZIZRILI IT, sabi ko sa sarili ko.

Natatawa ako sa sarili ko. Nang tanungin ako ng receptionist kung ano ang ipapagawa ko, ang confident kong sabihin na "HIV Screening, po." Hindi ko naman ipinagsigawan sa mga nandoon, pero hindi ko din naman ikinahiya.

So ayun, kinunan ako ng dugo, na muntik ko na yatang ikinahimatay dahil afraid talaga ako sa needle. Buti na lang pogi yung nurse na nag-extract sa akin ng dugo at magaling siya ha. I think ang pangalan niya ay Kevin.

Honglondekosorry.

The next day ko pa malalaman ang result dahil late afternoon na ako dumating. Closed na ang lab. Waiting game ang drama, ganyan. Amazingly, mahimbing ang tulog ko kagabi. I wasn't thinking too much about it actually. Siguro it's because I felt relieved na FINALLY nagpa-screen na rin ako.

And today, I found out na nega ako.



Ang nega ko talaga!

Thanks @ohlalao for the chika. It really helped me a lot. Kailangan lang talaga siguro mapag-usapan muna nang seryoso bago magpa-screen ng HIV para lang mapanatag ang loob.

Thank you.... judges.... (*wave ng hand sa crowd....)

Sunday, October 23, 2011

Guardia Sibil

It's bongga.

How bongga?

It's bonggang-bongga.

We have a guard. Yes, as in gardo. Taga bantay ng bahalia ni mudra. Dalawa, actually. Isang pang araw, at isang pang gabi.

Bakit kami nagka-gardo?

Naku, mahabang kwento. Kasing haba ng titi ni *bleep!* At hindi ko ike-kwento dahil tinatamad ako. Bakit ba? Kung sa tinatamad ako, eh. Basta it involves my Mom's ka-praningan. Pero temporary lang naman ito.

Gwapo ba kamo yung mga gardo?

All caps na flaming HINDI!!!! Pucha, kung may pogi sa isa diyan, eh di sana nasesante na agad yun dahil sa pagkakasalang rape sa dalagita ng reyna ng bahay (ako yun, ako yun!!!). Yung isa mukhang kalansay, at yung isa mukhang butete kaya siguro naman kung may taong may masamang balak na susugod sa bahay namin, matatakot na sila sa early Halloween mascots namin.

Grabe naman kagabi, yung day guard (Kalansay) tumuloy sa pagiging night guard dahil hindi sumipot yung totoong night guard (Butete). 'Yan ang power! Pag labas ko ng bahay kaninang umaga, aba gising na gising pa si Kalansay na naka complete ng 24 hours na bantay. Bravo levels, 'no?

Sana matapos na soon ang pagka-praning ng nanay ko dahil affected ang social life ko sa pagkakaroon ng guard sa labas ng bahay namin. Aba, hindi tuloy ako makapag-uwi ng boys!


Sent from my iPad

Wednesday, October 19, 2011

I Gotta Feeling



Sumakit ang bangs ko. LOL.

Tuesday, October 18, 2011

I Miss It Like Crazy ang Peg

I miss men.

  

No, don't get me wrong.  My previous statement that I'm enjoying my singlehood stays.  It's just that I miss intimacy. Meron naman akong dalawang nakabongkang kahit na paano lately at puta, sumasakit ang ngalangala ko sa hardcore blowjobs na yan ha.  Subo, dila, subo, dila.  Ayoko nung ganun.  I mean, Ayoko nung ganun for now (hihihihi).  Gusto ko yung masarap na halikan.  Yung masarap na yakapan.  I miss hugging!  Yung kahit kunwari lang may pagmamahal na kasama sa bawat halik at yakap.  Eh itong mga nakukuha kong mga lalake, di man lang matandaan ang pangalan ko.  Pang gabi na lang ba ang beauty ko ngayon?  

  

I told TG about me missing men.  At sabi niya he misses men too.  He hasn't been intimate with anyone for   2 months daw.  Ewan ko ba with us southern belles.  We're so conservative.

  

Charing!

 

Sa totoo lang nung nagkaaminan kami na we both miss men, I was hoping that he'd give me this one special hug.  Pag-bigyan lang ba.  Parang Thank You girl.  Kahit hug lang!  Basta yung matagal at comportable.  Eh kaso we were in the middle of Starbucks AND... he already made it clear  1 month ago that we're just friends.

 

Fine. 

 

Honestly, minsan hindi ko rin siya maintindihan why he's nice to me.  And often, I imagine that he likes me but doesn't want to admit it to me yet.  Yep, wishful thinking.  Pasensya na, sumi-sixteen lang.


The only thing that I have been hugging lately are my 2 pillows who I imagine as this hot starbucks barista  who I see often at the gym.  He's so hot talaga!  

 

Why oh why was I not born gorgeous?  Mase-seduce ko sana siya (ah yeah, feeling ko bading siya... Buong-buo nga lang ang paminta niya, wala pang nakakadurog). 



Sent from my iPad

Tuesday, October 11, 2011

Deleted a Planet

Last week, I created a Planet Romeo account, hoping that I could meet someone decent.   Kahit date man lang.  Don't judge me…. I'm single!!!  LOL. 

Just a few minutes ago, I deleted my account.  Naman!  Nobody told me that PR is a jologs gay site.  Hay naku!  Noong una natawa ako sa mga masahistang pokpok na nago-offer ng "services" nila.  So deadma lang.  And then came the messages from badettes that include the word  "poh."  

"Helloh poh."

"Pwede poh bang makipag kaibigan?"

"aN0wh pow @ng c3llphON3 nUmbeR N!nyowh? frieNds nah T@yoh HuAh?"

Jusko.  

And then the indecent proposals.  Tapos kailangan ko pa daw sunduin sa Pasay.  O, sa Fairview.

Sundo?

Sa Pasay??

Sa Fairview??

No car?  Death!!!    

Wala bang lawyer diyan, o doctor, o engineer, o business man, na mukhang tao man lang, yung maayos mag salita… pero bago diyan… maayos muna mag-type ng message kasi pucha naman keyboard na nga ang gamit naka short-cut pa rin kung magsulat.  I guess the only way I can date those kinds  of people is through friends' recommendations. The messages made me think na hindi sana ako nagbukas ng account sa PR kung  pinatulan ko na lang yung offer ni Citibanker na naka-date ko 3 weeks ago na naka Mitsubishi ASX na maging exclusive date ko.  Eh nagmaganda ako.  Sabi ko I'm not looking for a relationship.  Echosera ko talaga. Eh ang tanga-tanga ko naman.  Exclusive date lang naman, hindi jowa.  So ayun, bye-bye good catch guy.  Kung nakatira ka lang sana sa Alabang imbes na sa Marikina, hindi na sana ako nag-inarte.  

Pak.

Pakshet.  


*****

I called T and told him all about this.  I was expecting judgements sandwiched between sarcasms.


"Hu-what??  You had an account on Planet??  Felipe, I know you're ssssssad but I didn't know that you're THIS ssssssssssad!  Wawa ka naman!  Ehehehe."


Gee.  Thanks T. 




Sent from my iPhone

Monday, October 10, 2011

Ulan

Dalawa.

Naka dalawang itlog ako this week.

Yesssssss!

Define tigang. Tigang is not me. Bow. Haha. Ok fine. Merong drought sa kembang world. Pero keri lang. Happy na ako sa two. Kahit na hindi ko hinahanap naman masyado. Salamat sa hectic na schedule.

As much as I wanna go out with the guys I have been talking to online, parang nakakatamad din. I'm not interested with any of them that much na lalabas pa ako sa zip code 1780 to meet them. I'm contended na kasi with quiet weekends with my friends. Parang matanda lang. Maybe it's the age thing. Or, right now I don't want to get involved too much in the dating scene.

I'm not complaining. I'm just saying. I'm okay with this situation.


Sent from my iPhone

Sunday, October 9, 2011

Bo's Coffee

At heto ako ngayon. Sa Alabang. Malapit sa ATC. Nagka-kape mag-isa habang may nilalamutak na chocolate cake na bukas pipilitin kong sunugin sa gym. Nag-post ng location sa FourSquare. Na naka-autopost naman sa Facebook at Twitter. Praying sa mga diyosa ng mga malaladi yet sawi na sana... Sana... Mapansin mo ang location ko at bigla mo akong puntahan para sorpresahin.

Chos.

Chos 'tong imagination ko.

Asa pa ako.

Sent from my iPad

Thursday, October 6, 2011

Guni-Guni

Inaamin ko, every bed time, I think of you. Ay, ewan ko ba kung ano 'tong nanyayari sa akin . Crush lang naman kita. Hindi ako in love. Pero ayan nga, lagi kitang iniisip. Bwisit. Ikaw kasi eh. Hindi mo ako type.

LOL!

Ba't ba kasi ang bait-bait mo pa sa akin? Ang dalas natin magkita. Every weekend na lang. Parang commitment. Ahahaha. Shyet, kinilig ako sa sinulat ko. Buti napagtiya-tiyagaan mo ako, 'no? Teka, bakit nga ba?

Binibigyan mo ba ang sarili mo ng pagkakataon na magustuhan ako?

Konsiyensiya: umaasa ka naman ba?

Ako: Ay pota... Buhay ka pa pala??

Last Sunday, you asked me if I was going to have my usual Sunday night coffee break in Madrigal. I asked you if you wanted to hang out. You replied with "only if you want."

Only... if.... I... want??

Alam mo, kinilig ako doon sa sagot mo, kahit na it doesn't mean na you like-LIKE me. Kasi parang sacrificial pa on your part if we hang out after dinner ...but still, you would. I know you said na you want us to be friends lang. And Ricka, the chikadora, did warn you not to give me wrong signals. I hope you're being nice to me because it's your nature. Well, I know you're a good guy. Again, I'm not in love with you. I just like you. But right now, parang unti-unti yata akong naloloka sa situation. Hindi ko naman binibigyan ng malisya ang pagkakaibigan natin.

Putcha. I think this means I need a date. Hindi ko naman kailangan magpafertilize ng garden. Although kung meron, keri lang. Passive. Ganyan. LOL. Sa edad kong ito, bumagsak na ang libido ko. Pero mas nami-miss ko ang cuddling at hugging. Gusto ko yun eh!

Pero ayoko na yata ng new date. Happy na ako na kaibigan kita. Kahit na hanggang doon lang tayo. Magkaibigan. Natutuwa na ako na natititigan kita sa mata. Natutuwa ako na napapatawa kita. I love it when you laugh. Yung parang natatawa ka sa akin kasi nae-eskandalo ka sa mga patawa ko. LOL!

Sana...

...pwede kitang i-hug. Kahit... Wala lang. Kahit... magkaibigan lang tayo.

Kahit yun lang.

Kahit na matangkad ka. LOL!

Sent from my iPad

Saturday, October 1, 2011

Korean Diary

Sept 26

Bumabati sa inyo mula sa bayan ng Hyundai Starex at Sandara Park, ako po si Felipe, 25 (echos), representing Alabang... Muntinlupa... City!!!!!

FYI, pinilit lang akong isama sa trip na ito ni mudra at pudra. As expected, ako ang dakilang tagabuhat ng mga bagahe nila.

Hindi... Ito... Gawain... Ng... Isang... Beauty... Queen!!!

Tanginang flight yan o. Mula sa Pilipinas, ang 11am flight Manila to Hong Kong ay naging 11:50am dahil hindi maka-alis ang eroplano namin dahil 5 na eroplano na ang nakapila sa runway, lumalakas pa ang ulan. During the flight naman, ang inaakala kong lunch ay snack lang pala. Di talaga ako mabubusog sa monay na nagswimming sa mantikilya.  Pagdating namin sa Hong Kong, 1:50pm na. Walang time para kumain o umihi o umebak dahil medyo lang 2:25pm ang departure ng eroplano. Napa-marathon kami ng nanay at tatay ko sa pagtawid ng Hong Kong airport mula gate 3 hanggang gate 71. Natuwa pa nanay ko nang ma-annouce ang pangalan niya sa paging system.

"Mom, late na daw tayo. Iiwan na daw tayo."

"Hihihihihi... Pangalan ko yun... Hihihihi."

Photo finish naman kami na may greeting na nakasimangot na mga chekwa sa eroplano.

Flight from HK to Seoul, akala ko ang snacks natapos sa mani at softdrinks. Naku, kapag gutom kasi ako, ang sungit-sungit ko. Maya-maya, nag distribute naman sila ng chicken with rice meal. May katuturan din naman pala ang 3-hour flight to Korea. Natuwa naman ako at ang mga bulate ko.

Bulate: "yehey!"

Ayan. Bongga ang Icheon Airport. Mahihiya ang mga officials ng Manila Internal Airport, kung may natitira pa silang hiya sa mga katawan nila. At imagine mo na lang ang frustration ng tatay ko na dating sundalo na lumaban para sa South Korea noong Korean War. Noong araw daw Pilipinas ang progressive sa Asia sunod lang sa Japan. Ngayon, napagiwanan na tayo ng buong mundo.

Lahat ng kotche dito equipped with GPS.  Kahit taxi.  Bongga, right?


We are now booked at the Grand Hilton Seoul. Haggard. 1.5 hours ang layo mula sa airport. At dahil ultra haggard ang mga magulang ko, kasalukuyan na silang humihilik para handa na sa bukas na kay GONDO.


Walang WiFi.  :(  



Sept 27

Wow. Grabe. Wala talaga. Wala talagang gwapo dito.

Ahaha ahaha.

At dahil ang plano lang namin sa umaga ay pumetiks, Mom, Dad and I tried going to downtown via Hilton Hotel bus to explore. Useless ang grade school english lessons namin dahil hindi naman marunong mag English ang mga tao dito. LOL! Ay nako. Dahil nag give up na ang tuhod ng tatay ko, bumalik na lang kami sa hotel for lunch. Afternoon, we were able to join a group tour to Changdeok Palace, an amethyst jewelry store (Mom bought a necklace and a bracelet), and 2 city markets.




I got bored, actually. Puro lakad, puro palace, puro kwentong concubine ng mga Emperor. Wala bang kwentong kabaklaan? Ehehe ehehe. Pero love ko yung parang divisoria dito. It's called Namdaemum market. Fake-ness lotsaness. But compared to divi, mas maayos ito, mas maluwang  at di hamak na mas malinis. Wala ako nakitang basura at all.



Anyway, like what I said, walang gwapo dito. Well, actually, BIHIRA ang gwapo dito. Pero kanina naloka ako doon sa isang tinderong binilhan ng bag ng nanay ko. May pogi factor naman. 3 out of 5  stars, ganyan. At dahil uso dito ang slim jeans, bakat ang itlog ni kuyang tindero. Sarap!

i can't wait to go home. Yeah i know, i know. We've been here for only 24 hours. I'm a horrible traveller. But We are so helpless here. Well, I'm so helpless here. Haha. Uy, hindi naman sa anumang kabaklaan. Wala lang kasi ako kakilala dito. Walang kotche. Walang happenings. Walang GPS akong dala! Kasama ko lang si mudra at pudra. Sa ibang salita, wala akong powers! Ganito pala ang feeling ng maging hampas lupa.

Chos!



As I'm writing this, CNN is reporting that the typhoon in the Philippines so far has killed 7 people . Homaygad.


Sept 28

We went out to downtown again this morning on our own. Mom and Dad did some shopping at the cheap stores at the underground shopping center. I was Mom's personal calculator and currency converter. Good thing I have this iPhone app called XE Currency that converts currencies even when my phone is offline. You just need to manually update the rates once in a while. Nakakatuwa.

Naloloka ako sa mga slim fit pants ng mga lalake dito. Kahit hindi sila ganun kagwapo, napapatingin pa rin ako sa mga crotch at pwet nila. Ahaha ahaha. At bihira ang mataba dito ha. In fairness.  Eh tignan mo naman ang pagkain nila dito very healthy.  At walang lasa.  LOL!



We just got home from watching Namta, this Korean musical comedy na puro tambol at ingay. Ala Stomp, kumbaga.

"The musical has a simple back story of three cooks attempting to finish preparing a wedding banquet within a strict time limit while the manager installs his incompetent nephew among the kitchen staff. The show involves acrobatics, magic tricks, comedy, pantomime and audience participation. The unifying element throughout the musical is the use of traditional Korean samul nori music, which in this case in performed with improvised instruments, such as cutting boards, water canisters and kitchen knives. The performance is almost completely non-verbal. The very few words which are spoken are in English. (http://en.wikipedia.org/wiki/Nanta_%28musical%29)"

Funny naman siya kahit na paano. May hotness na mga afam sa audience. Ahahaha. Yun pa talaga ang napansin eh, 'no? We had Korean food after the show. Unless we went to the wrong Korean restaurant or wala talagang lasa at dinadaan lang sa anghang ang pagkain ng mga tao dito. Yan pala ang sikreto ng pagiging balingkinitan.



Sept 29




We visited this Koreal Folk Village that is 1.5 hours away from Seoul. Di talaga maka register ang mga city names sa utak ko. They all sound the same! Some end with guennn... iba with deun. Iba sound like weunn. Aba, ewuenn kew bah.  The village is  fake kasi replica lang siya ng kung paano mamuhay ang mga Koreans noong araw.   Nayong Pilipino levelings, ganyan.  It was built by the government during the 70s I think, kung tama ang pagkaintindi ko sa guide namin na kung magsalita parang kumakanta ng kundiman.



Sa Folk Village meron dapat show na ipe-present ang mga farmers kaso mo masyadong malakas yung ulan kaya cancelled ang performance nila. However, natuloy naman yung horse show performance na binubuo ng isang majondang bilat at mga lalakeng bagets na may potential na maging superstars sa asian boys dot com.

Ihihihihi.



Dinala din pala kami ng guide namin sa Blue House. Parang sa Amerika yung While House, dito naman yung Presidente nila nakatira sa Blue House.  Ang pilosopo 'no?  Ang daming pulis... Mga naka slim pants din. Ihihihihi. Keri naman nila kasi hindi naman sila matataba. Hindi katulad ng mga pulis sa Pilipinas na mga mukhang butete.



Sept 30

At dahil ang tatay ko ay nakasama sa Korean War noong araw, pumunta kami sa Demilitarized Zone. Ito yung boarder na kung saan nahahati ang North Korea at South Korea. So yeah, kamusta naman ang security di ba? Para kaming papatayin ng mga sundalong Koreano kung sila makatitig sa amin. Nakaka-windang. At wag ka. Tourist attraction ito. LOL. We went there not as part of a packaged tour. Dinala kami doon courtesy of the Philippine embassy. Bongga right? At mga sundalong pinoy pa ang nagdala sa amin doon, in private cars. Parang magnanakaw na Pinoy congressman lang naman ang dating namin. It was an hour ride from our hotel.



Ang tour guide namin ay galing sa US Army. Hindi siya photogenic pero pogi si bagets. Hihihihi.

Cutie siya.  Hihihihihi

Nasilayan namin ang North Korea! Exciting! Grabe para itong awayan ng dalawang Korea 'no? May eksenang kidnappan at hukayan ng mga hidden tunnel para lang salakayin ng North Korea ang Seoul. Nakaka-awa din ang condition ng mga tao sa North. Biruin mo, mas priority pa ng Gobyerno ng North Korea ang gumastos para sa mga weapons kaysa pakainin ang mga mamamayan nila. Kaya madaming taga North ang gustong tumakas at lumipat sa South. Ang ending, tsugi sa border.

North Korea's Propaganda Village.  Read about it here.  http://en.wikipedia.org/wiki/Kij%C5%8Fng-dong

Sa ngayon I'm in the hotel room. Mom and Dad went to a function at the Philippine Embassy. Hindi na ako sumama dahil hindi ko trip. And besides, i want to rest now. I mean, ayoko nang gumalaw. Di ako masyado nakatulog kagabi dahil nagsasagutan sa hilik ang nanay at tatay ko.   Sa totoo lang hindi ko gusto ang trip na ito. I'm just glad that we're going back to Manila tomorrow.

Kamusta naman ang sasalubong na bagyo sa amin, di ba?



Oct 1



Flight back to Manila, upgraded to Business Class.  Bongga!

Sunday, September 25, 2011

Ang Project

Bongga.

Nag start na this week ang renovation ng condo ko sa Alabang.  Excited akong matapos na  pero windang levels ang kaba ko sa gastos now and para sa future for keeping my own place.  Pero go lang.  Ginusto ko naman ito.  Kaya sinaksak ko na sa baga ko.  I'm having this little space renovated for myself and para naman tumaas ang rental value niya just in case hindi kayanin ng puso kong maging independent woman (chos) and decide to have it rented out na lang and move back  to my Mom's house (suwail na anak, right?).

I'm not really moving out.  Kapag matapos ang project na ito, baka titira lang ako sa unit nang 3 or 4 times a week.  I can't totally be away from home because of my work.

Anyway, share ko lang.  Here's the view from my unit's balcony.



And this is the eksena from my room.



Maloloka ang mga residents sa kabilang condo kapag makita nila ako sa umaga na hubo't hubad.

After gym kanina, I visited my condo again to see the progress.  I picked TG up kasi wala daw siya magawa.  In fairness, marami na rin silang nagawa sa unit ko.  TG liked the place.  It's big daw compared to his friends' condos in Makati and Fort Bonifacio.

60 working days.

Yan ang expected na completion time ng project.  Maximum na yun.  May plano nga ako eh.  Gusto ko magkaroom kami ng Christmas party dito ng barkada ko.  Our own place!  It'll be fun.

I'm leaving nga pala tomorrow for Korea with my parents.  I'm not excited.  Pinilit lang ako.  I hate travelling.  As in.  Pwera na lang kung ang destination ay magandang beach.  Tapos I'm sharing the hotel room with them. Aaaaack!!  Good luck to me.

Sana hindi ako magiging masyado masungit.

Thursday, September 22, 2011

The Little Talk

Last week, my friend TG and I had a little talk. Kasi naman our common friend, si R, told him that I like him. Eh pucha naman. Crush lang naman yun. I just like him, that's all. And even if tumitibok na ang puso ko para sa kanya nang bonggang-bongga, I'm not the type na pipilitin ang sarili ko ang isang tao na gustuhin ako. My gulay. May ganung tao ha.

I don't know how R made it kwento but I think it left TG the impression na dead na dead ako sa kanya. Baliw na baliw, Sisa levels, ganyan. Baka nga iniisip niya na kaya ako nakikipag kaibigan sa kanya dahil may hidden agenda ako. :( So when we met up last Friday for our usual weekend hangout time, he brought it up. Naloka naman ako kasi... puñeta... secret ko yun eh. Hahahaha. Kainez. I swear when R comes back home from Rome, sesermonin ko ang chismosang baklang yan. Ang daldal! Kala mo may pekpek. Anyway, TG and I talked, he explained that I am just his good friend, nothing more, at nag dugo ang puso ko for the rest of the night.

Echos.

In the first place he was not suppose to know na I like him. That was an unncessary talk. Very uncomfortable for the both of us but TG felt we needed to talk about it. But we're good. We're still friends. Parang we didn't have that awkward time.

We're meeting up again tonight. Iinom ng kape, magpapalitan ng kwento, tatawa sa mga hirit, manonood ng mga lalake. Tuloy pa rin ang buhay.


Sent from my iPad

Monday, September 12, 2011

Hot Spot



Feeling ko ang tanga-tanga ko kasi the other night ko lang nalaman na pwede na pala mag-share ng internet connection ang iPhone ko via Wi-Fi. Out dated much? Ang alam ko kasi a few months ago pwedeng mag share siya via cable connection or bluetooth. Pero ngayon ko lang na discover na pwede na siya via Wi-Fi. Most likely one of the software updates in recent weeks. I don't use this feature kasi. But now that I learned about this, and I'm on unlimited data plan anyway, baka magiging madalas ko na ito magagamit. Yesterday on the road heading home, I was online on my iPad. Buong biyahe akong nag Grindr.

Award.

Sent from my iPad

Sunday, September 11, 2011

Heto Ulit Me!

Gee. I don't know where to start. That's because there is no beginning anyway. Hanodaw?? Ang pinagsasabi ko lang naman is from the last time na nag post ako ng entry sa blog kong itong walang direksyon, wala naman masyadong kaganapan sa buhay ko. Well, hindi naman. Busy ako sa work kaya kahit na paano hindi ako idle. Yun nga lang lagi akong pagod. At kahit na ganun, i'm still able to find time to go to the Gym.

Haaaaay. Gym. Ang saya-saya sa gym. Ang daming pogi. Pero behave ako, as always naman, dahil hindi akong mababoy na tao.

Charing.

Nakakatawa. When i started with Gold's Gym, sabi ng trainer ko obese daw ako. Kaloka. Balingkinitan is the new fat na pala. Again, charing. Kasi naman daw, ayon sa kanyang calculator, my body fat was 26%. Lumagpas ako ng 1% sa normal which is 18% - 25%. Pero last week, after more than a month, he measured me again. I gained 4 pounds daw pero ang body fat ko ngayon is 18% na lang. Yes, wagi. Pwede ko na ibandera ang puke ko sa FHM. Ang yes, again, charing.

So yan ang state ng health ko ngayon. May isa akong concern pa about my health pero ayoko munang i-chika yun dahil baka maloka nanaman ako sa kaiisip tungkol doon. Baka hindi ko na lang I-chika at all so sorry na lang.

In the dating scene, kinda keri na rin ang Grindr. O, don't judge me hayop ka. Totoo, may mga nagiging kaibigan ako dito. In fact, 3 na ang kaibigan ko na nakilala ko sa Grindr. Lately, si TG ang nakakasama ko every weekend for coffee, movie, lamon or whatever. He lives in the same village nga pero during weekdays he stays in Makati. We're just friends pero ang totoo may crush ako sa kanya. But I'm a decent guy. Hindi ako ang desperado type na ipipilit ang sarili sa taong gusto ko. He doesn't have any idea that I like him. And i think it's best that we stay as friends na lang. Martyr levels? Yeah i know. Ganun lang talaga. And FYI, one month na akong virgin. Ganyan.

I haven't been seeing my friends as often as I want to and I'm sad about that. I miss them. O, drama, potah. Haha. I'm just a bit disappointed na hindi ko sila nakikita masyado now that my weekends are almost free. Well, because of that nga I have been spending my weekends with TG. :)

I have a new crush. As in yung pinagjajakulan levels. Hahaha. Nakikita ko sa gym. Na later on nalaman kong manager pala ng Starbucks. Ahaha. Basta naloloka ako kapag nakikita ko siya weather sa workout area na naka tight sando at shorts na mega mold ang pwet niyang bilog, o kaya kapag nasa locker room na naka tiny towel na ika wiwindang ng mga bading I swear.

And still, I'm enjoying my singlehood. Nami-miss ko din yung weekends at The Powerplant mall siyempre. Nami-miss ko din yung ibang mga kaibigan na nakilala ko because of my ex. You know what's weird when you break up with someone? Parang nakipag break ka din sa mga common friends ninyo. Haha. Bigla-bigla na lang wala na rin akong communication sa kanila. No bad feelings naman on my part. I guess it's just the situation. Plus they're closer to my ex anyway.

And speaking of Powerplant Mall, I will be there next saturday to meet up naman with an old friend who I met online many years ago. As in may buhok pa ako noon. Ahaha. Anyway, catch up- catch up lang naman kami. I'm not so sure if this is going to be a date dahil for the past week may landi factor kami sa facebook at texts. But it's just nice lang to keep in touch. Again, I'm not looking for a boyfriend. Pahinga muna ako. Me time na lang muna. I can go on dates tho. Alam mo yun. HOHOL (hang out hang out lang) muna tapos kung trip ko MOMOL (make out make out lang) na rin.
That's all for now. Ang utak ko ngayon parang sex life ko. Tigang.


Sent from my iPad

Wednesday, August 17, 2011

'Lang Kwenta

So, heto si Wednesday. Gumising ng alas-6 ng umaga, as usual, at 20 minutes nakipag wrestling sa sarili para bumangon sa aking California king bed. *CHING!* And then I realize I'm not suppose to go to work today because….

Basta ganun. Just because.

After breakfast, pinaliguan ko si Big Boy (see previous post) at habang naghahabulan kami at nagkakalat siya ng sabon sa garden (parating may ganyang eksena), napansin kong parang ang daming langgam sa isang spot ng garden namin, near the swimming pool. Ewan ko kung bakit pero ganun. Baka doon bumagsak ang pawis ko dahil sweet ako.

Walang makabuluhang pangyayari ang isasaad ko sa post na ito. Mga litrato at video lang ng mga langgam.

LOL! :P












Para lang may mai-post. Ganyan.

Tuesday, August 16, 2011

1 Year Old Na Siya!

Ang bilis ng panahon.  Parang kailan lang inuwi ko siya galing Tiendesitas.  Nakatulog pa nga siya sa lap ko habang nagmamaneho ako pauwi.  Tapos ngayon, para na siyang malikot na biik.

Isang taon na si Big Boy!


Tuesday, August 9, 2011

Kras

Hindi ako kinabahan. Hindi ako nag-alala. Hindi ako nagdalawang isip nang imbitahin ko siyang makipagkita. Tutal, 3 months na rin yata kaming nagco-communicate through, Facebook, SMS at What's App. In fairness, nasulit ko ang What's App dahil magkaiba ang service providers namin. Sabadong-sabado, namomoblema ako kung paano ko gagamitin ang weekend ko. Hindi nagparamdam ang mga kaibigan ko. Yung isa may review. Yung iba may date. At yung isa naghahanap ng inner peace, kung ano man yun. So naisipan kong yayain si TN na lumabas.

"Doing anything tonight?"

"No plans as of the moment. What's up?"

Naku, ayan nanaman ang mga "What's up" na yan. Ano ba talaga ang tamang sagot kapag tinanong ka ng "what's up?"

"Showing ang Babae sa Septic Tank in SM Southmall tonight. I'm planning (Echos!) of watching the 9PM screening. Come with?"

Come with… ang sushal. Matagal ko nang naririnig ang "come-with-come-with" na yan. Obviously, short cut yan ng "wanna come with me/us?"

Aba, after less than a minute, sumagot naman siya agad.

"Yeah sure! Let's!"

"Great. I'll pick you up at 6pm so we can buy tickets and have dinner."

Nakilala ko si TN through Grindr a few months ago. Nakabandera picture niya doon. Sabi ko pogi. Nakabandera ang picture ko din doon. Nakita niya kaya nag hello siya hindi dahil naloka siya sa ganda ko kundi dahil nakikilala niya ako. Marami kaming common friends, we live in the same village, hindi nagkakalayo ang mga edad namin and we come from the same school. In a few days, we exchanged numbers and facebook pages but it almost ended there. We didn't message often. But we'd always say hi naman whenever we're both online. So you see, marami din namang mababait na tao sa Grindr. Hindi lahat manyak. LOL!

6PM. The house in front of the park. Right. And there are 10 houses in that row. But I recognized the guy in white shirt and jeans standing on the side of the road. Oh, great. Pogi. Mahal ko na siya. Chos.

Pagkapasok niya sa kotche, nagtawanan kami nang konti kasi naman finally, nagkita na kami, after 3 centuries.

We bought the tickets and had dinner right away. Grabe and carbo loading ang ginawa namin. Napadami ang order. But it was alright. It gave us time to talk more. It's refreshing to finally meet someone who grew up in the same environment as I did. Kung may ihihirit ako about my old school, maiintindihan niya. Kung may iihirit siya about the politics in the village, maiintindihan ko din.

"Oh… yes… absolutely…. I know exactly what you mean."

After a thousand calories of pasta... and a yogurt, we were at the movie house. Hindi ako sigurado noong una kung trip niya ang mga tagalog movies pero nag-Oo naman siya when I invited him to watch it. May pagka inglisero kasi ang taong 'to kaya minsan feeling ko kailangan kong kumain ng dictionary. Pamilya ng mga inglisero kasi. Ganyan. Nag-alala ako sa first part ng movie. Aba, pucha, nagda-drama si Miss Eugene. Medyo matagal-tagal ang mga eksena. Seryoso ba 'to? Maling pelikula ba ang napasukan namin? Hindi ba dapat comedy ito? Naku baka nababato na si TN. Buti na lang bumawi din at lumabas na ang comedy. Whew!

Pagkatapos ng movie, habang naglalakad at nag-uusap kami ni TN sa hallway, pabalik na sa kotche, doon ko siya unti-unting napagmamasdan. Yung kanyang tawa na natatangi sa isang taong edukado. Ang kanyang mukha na maamo. Medyo matangkad siya. Pero lahat naman yata ng tao mas matangkad sa akin eh. May pagkakulot ang kanyang buhok parang ako… something-something years ago. At naku-kyutan ako sa kanyang chinitong mga mata. Napapangiti ako habang nilalarawan ko siya. Madami sa mga katangian niya, swak na swak sa akin.

Confeermed. SI TN ang aking bagong crush. Pero mukhang sa ngayon, hindi ko pagkakainteresan na magka relasyon sa kanya, o sa kanino man. O, statement 'yan. Sa ngayon, mas gusto ko na lang siya muna maging kaibigan. Gusto ko din muna maging single. Pansamantala, magpapakakilig na lang ako habang iniisip ko siya.

Wednesday, August 3, 2011

Burnout

Every night, I have been sleeping late. And I ask myself, on what am I wasting my energy on? It's that time of the year again when I feel lousy about myself. I'm so busy with work, I don't even have time na to say hi to my Grindr friends (hihihihi). And at the end of the day, kahit na ang dami kong nagawa, feeling ko wala pa rin ako na-accomplish.

I want a vacation. And I think I can take one kahit na mag-isa lang ako.

Sent from my iPhone

Upgrade Fail


Kasalukuyang naba-bad trip ako.  Bakit kamo?  Kasi after upgrading both my iMac and MacBook to OS X Lion, malaman-laman kong hindi pala compatible itong Warcraft- Frozen Throne ko sa OS X 10.7. 

Haykenatbilibit. 

Gusto ko pa namang mag DOTA ngayon.  As in now.  Tapos hinahanap ko yung installer CDs ng Warcraft at Frozen Throne ko because I have been using a CD patch to play the game.  Baka kamo maremedyohan if I reinstall the game.  I found the WC box but the CDs are not inside.  Di ko matandaan kung saan ko nilagay.  Ang alam ko…. ang alam ko…. ang alam ko…. 

HOMAYGULAY!

…hindi ko pala alam.  Di ko talaga matandaan. 

It's just one of those days na, wala lang, nakakabanas. 

Tuesday, August 2, 2011

Hindi Madramang Single

Parati kong sinasabi sa mga kaibigan ko na hindi ako madramang tao. Totoo naman yun. It has been one month since the break up. And i don't think i ever complained to anyone about being single. I didn't have a horrible relationship with my ex for 3 and a half years. It was actually great and i learned a lot from him. But i'm embracing my singlehood now. I'm enjoying it. Hawak ko na ngayon ang sarili kong oras. I am not obliged to meet up with anyone on a regular basis. One good outcome of this singlehood is that I get to see some old friends again. Some i get to talk on FaceTime. FaceTime babad kumbaga. Sa mga naka-usap ko, we just did a lot of catching up. At hindi ko na kailangan ipagpa-alam pa ito kahit kanino. I get to talk or meet anyone i want any time.

I don't want to get into a relationship. At least not soon naman. I'm open to dates, though. It's never wrong naman to meet new friends. I had one 2 weekends ago and it was a blast, na walang halong malisya.

Chos.

Kung gugustuhin ko man magkaroon ng ka-relasyon soon, kaya naman ng powers ko. Yun ay kung hindi ako mag-iisip nang mabuti. Subo lang nang subo sa kung sino na lang ang dumating. Pokpok levels, I KNOW! May tatlong manililigaw. Yung isa, thunder cat na hindi ko talaga type. Yung isa alam ko hada lang ang gusto sa akin pero ewan ko ba. At yung isa, ok na sana. Cute (na malaman), has a stable job, has a car, close to my age at alam kong mabait na tao. Kaso taga Fairview so kamusta naman taga Alabang ako.

Nakakapagtaka lang din. Since July, sobrang busy na ng schedule ko. And during the week, ang inaatupag ko lang naman ay trabaho. Himala nga na nabibigyan ko pa ng panahon ang Personal Training ko sa gym 3 times a week. Pampadagdag sa schedule na ok lang din naman. Pero kapag weekends, libreng-libre ako na makipag kita sa mga kaibigan ko, kung may usapan man. Ewan ko rin din. Kung kailan ako naging single, at saka naman sila naging busy din pati weekends.

Ang drawback lang so far sa pagiging single ay effort maghanap ng lakad kapag weekends. Kasi nga wala na yung regular na kasama ko. Pero mabuti na rin ito. Kahit na paano siguro mapipilitan akong magpahinga. Pero ang gusto ko makasama ko ang mga kaibigan ko. Bihira ko na sila makita. Doon lang ako nalulungkot.

Nami-miss ko ang barkada ko.

Pero totoo, hindi ako madramang tao, ok?

* sniff, sniff

Monday, August 1, 2011

So This is How It Feels To Be A Floor

The kings of viral videos are back!


Kaloka. Hinahaluan ko ng malisya. LOL.

Sunday, July 31, 2011

OS X Lion Upgrade

Last night, I upgraded my MacBook's operating System to OS X Lion, from OS X Snow Leopard. I haven't spent a lot of time playing with the new features but I'm guessing it's a good move to update my computer as a boost for new updates for supported devices like my iPhone and my iPad. Ang totoo, hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko. Hardcore chorva lang. So sakyan na lang, da va?

There are software and hardware requirements before one can upgrade to OS X Lion. Your mac should have an intel Cor 2 Duo, Core i3, Core i5, Core i7 or Xeon preocessor. Alam ko choosy pero ganun talaga ang buhay. Computer should have at least 2GB of memory. And your OS X should be at least version 10.6.6.



Lion is available on your App Store (you can find it on your dock, if you're using OS X Snow Leopard 10.6.8) for $29.99. Just click on the price button, and if your Apple/iTunes account has been set up with a credit card account number, it will immediately download. File size is 3.74GB big. Depending on your internet speed, pwede kang abutin ng 48 years. Wag ka nang tumingin ng porn online at baka lalong bumagal pa ang download speed mo. Pansamantala, sariling sikap na lang muna (wink, wink).



So pagkatapos ng 48 years at nagsipag-asawa na ang mga anak mo, you can start installing your new Operating System. It would take about 30 minutes to install.

If you have another Mac that meets the minimun hardware and software requirements and would like to also upgrade that computer to Lion, you don't need to spend another $29.99 for another download. I think your purchase is good for up to 5 computers. I'm just guessing based on the fact that you can use the same iTunes account on 5 devices.



To do this upgrade on Computer Number 2, go to your App Store and click on the Purchases tabs. All the Apps that you purchased or downloaded through the App Store with your current Apple account that are compatible with your computer are listed here, installed or not. Maloloka ka dahil OS X Lion would already be listed here even if you downloaded it in your other computer. Ang galing di ba? Click on the install button and download will begin immediately. Another 48 years later, na-upgrade mo na ang 2nd computer mo.

Whew! Kapagod mag hintay, 'no? Gayahin mo na lang kami ni Big Boy na naglaro sa ulan kaninang hapon.


Wednesday, July 27, 2011

Time Space Warp

About 8 years ago (o, di ba lang? Mag-balik-tanaw talaga…), may nakilala ako na taga village namin through MIRC. Yes , I know, laos levels. Mga nasa home for the aged na yata ang mga gumamit ng MIRC noon panahon ng Hapon.

Chos.

So ayun. Na-excite naman ako nang bongga kasi wala pa akong nakikilang diwata from the village aside from KD, aka Kimi Dora, na that time ay nasa US of A. Kung tanga ako ngayon, mas tanga ako noon. Hiningi ko picture niya, ayaw niya. Hiningi niya picture ko, binigay ko naman. ANGTANGADEEVAH??

/File/Send lang naman.

Sa picture na pinadala ko, best smile, best pose, best hu-whateyverr mula sa panahong hindi pa kayang bilangin ang buhok ko sa ulo. Dito ko din na-discover na my left side is my best side. Kaya kung mapapansin mo, pare-pareho ang pose ko sa FaceBook. LOL.

Heniwey, highway, so sa dahilan na sabik akong makakita ng bagong kaibigan, at sabik siyang makakilala ng bagong diwata, nag plano kaming mag-EB. Merienda sa ATC ang plano and I was suppose to pick him up. No problem, sabi ko sa sarili ko. Go lang. So dahil wala pa akong sariling car that time, na-klepto ko muna yung Nissan Patrol ni mudra. Di ba lang, sa liit kong 'to, yung malaking kotche pa ginamit ko. Alog-alog levels. So I picked him up at his street. Pagpasok niya sa kotche, split second ko nalaman kung bakit ayaw niyang magpadala ng picture.

BASTA GANON.

Hu-well, sabi ko sa sarili ko simpleng meet-up at merienda lang naman ang usapan, so be it. Baka kamo mabait naman ang ugali, ok na rin. Pero hindi 'day, HINDI! Habang nagdi-drive ako papunta sa ATC, nalaman kong presko pala ang ugali ni gago. Alam mo, sensitive akong tao pagdating sa itsura ko. Alam kong hindi ako ganun kagandahan pero JUSKODAY, at least hindi naman ako kasing chaka niya na hugis aparador pa! O, ayan, nasabi ko na kung bakit ayaw niyang magpadala ng picture. Sinabi kong presko ang ugali niya dahil he kept on saying "ah, maliit ka pala 'no?" The first time na sinabi niya yun medyo pinagpasensyahan ko lang. But he kept of joking about it. Ang yabang ha. Tapos gusto pa niyang mag hold kami ng hands at sinabi niyang he wants to kiss me after I park the car.

Heller?? Sexual harassment alert. Afraaaaaid!

I'm suuuuuure gawain niyo din itong Plan B ko. Pinatunog ko ang cellphone ko, kunwari nanay ko yun at pinapa-uwi na ako. Sabi ko sa kanya "something came up" and I have to cancel the merienda with him. Nagpa drop off pa rin siya sa ATC. He looked sad pero sorry, I was more angry. Salamat sa mga insulto and freaking me out. At dahil prepaid pa ako that time, I bought a new sim card immediately after that.

Ngayon naman, after years of technology upgrades (para namang ang tanda-tanda ko na…. tanda lang!), may naka-usap ako sa Grindr the other day na walang picture. But he's from the village. Sabi ko sa sarili ko, "baka pogi 'to! Baka Uma-Azkal or Vumo-Volcano!." Hihihihi. He macked me and we had a little conversation. Medyo nga madaya kasi may pic ako sa profile. So i asked for his. He's not comfortable daw sending his pic. So fine, ok lang. Dapat friendly kasi I'm running for Miss Congeniality 2011 (echos). After a few lines, we decided to meet up that day for a movie after my work out. We traded numbers and he told me the street where he lives.

ALAM NA!

I had to ask him a few more details just to confirm if this is the same asshole I met 8 years ago and suffice it to say, yes, it's him. Sabi niya give him a chance daw, meet up with him, nagbago na daw siya. Di ko alam kung paano siya nagbago, kung nagpa-liposuction siya or cosmetic surgery but the fact that I didn't have a pleasant time with him then, even if it was just for a day 8 years ago, I just had to cancel the meeting because I totally lost interest. After gym, I blocked him on Grindr and super-super hoped that he won't call or text me ever again because this time hindi na ako naka-prepaid.

EEEEK!

Tuesday, July 26, 2011

Heto Nanaman Me!

Imbey, imbey, imbey! 

Kasi ganito yan.  Yung DP ko kasi sa Grindr (hihihihihi) medyo may kagandahan kumpara sa totoong anyo kong tao.  In other words, photogenic ang lola mo kaya medyo marami-rami ang gustong makipag-"friends."  Lumalagpas naman sa dalawa (charot!).  So out of the more than two chatters (charot charot) na pumansin sa akin, may isang medyo kinda pogi na taga Katipunan ang binigyan ko naman ng interes. 

Nagchikahan.

Nagbolahan.

Naglandian.

Nagpalitan ng cellphone number. 

Aware ako na kaya lang niya ako pinansin is because of my allure…  ESTE, my not-so-chaka na pic.  Pero I want to warn him naman na I may not look as good in person para di naman siyang ma-disappoint in case na magkita kami fez to fez, di ba?  Nag text back naman at nag drama ang Lola ng Katipunan na

"if you think I'm shallow, you're wronged. I find you cool coz you're a good guy, plus na lang if you look awesome.  I need not to elaborate but hey TC.  :-("

So ayun.  Alam ko Miss Universe answer lang niya yun at talagang shallow siya pero, 'day, nawalan ako ng potential date because of my  low self esteem.  Ahaha ahaha.  Pero hindi naman ako nega about it tulad ng iba diyan.  Hindi ako desperado magka-date.  Parang lakad o gimmick lang with friends.  Kung may schedule, eh di meron.  Kung wala, eh di manahimik. 

I have been single for almost 4 weeks now.  Yep, the guy I used to call Hani, wala na kami nun.  It was somewhat a mutual break-up naman, although it was him who brought it up,  so no drama which is  GRRRREAT.  No worries.  It was a good 3 and a half years din naman.  I haven't seen him since then, tho. 

That's why I created a new blog.  Bagong buhay.  Bagong kachorvahan.  Na-miss ko din ang pagsusulat. 

So, heto nanaman me!